Usap-usapan ngayon ang paghingi ng paumanhin ni Megastar Sharon Cuneta kay Angel Locsin sa kanyang instagram post.
Nag-post kamakailan lang ng isang litrato ni Angel si Sharon sa kanyang instagram account na may caption na sinimulan niya sa, "Pasensya ka na anak ko @therealangellocsin pero kailangan ko ito ipagsigawan huwag ka magtatampo sakin!"
Dinugtungan naman ni Sharon ang kanyang caption ng pasasalamat sa aktres. Ibinunyag niya ang malaking halaga ng pera na ibinigay ni Angel sa Pawssion Project.
Ang Pawssion Project Foundation ay isang Philippines-based animal rescue group na nagsimula noong October 2018. Layunin nitong iligtas, mag-adopt at magbigay ng bagong tahanan sa mga hayop. Dito maaari kang mag-donate, mag-adopt, mag-sponsor at mag-volunteer.
Napag-alaman na kabilang si Sharon sa mga partners ng tinutukoy na Pawssion Project kung kaya ay labis siyang nagpapasalamat kay Angel.
"Thank you with all my - our hearts for your generous P50,000 donation to @pawssionproject! We love you! Mabuhay ka anak!”, pagbubunyag ni Sharon.
Pinuri naman ni Sharon si Angel sa pagtulong nito sa mga hindi maipagtanggol at makapagsalita para sa kanilang mga sarili kagaya ng mga hayop na siyang pinagtutuunang pansin ng nasabing project.
“Thank you for helping the voiceless and showing them so much love and support! Lahat tinutulungan mo di lang kapwa tao natin. God bless you always!” dagdag ni Sharon.
Tila ay ayaw sana ni Angel na ipahayag sa publiko ang kanyang pagtulong kung kaya ay humingi si Sharon ng pasensya sa aktres.
Hindi lang si Sharon ang humanga at pumuri kay Angel pati na ang netizens.
"Awww! Both Darna's in real life!"
"For me, Ms. Angel is my living Darna."
"Wow napakabait talaga ni Ms. Angel. More blessings, Ms. Angel."
"Ate Angel may pagka-generous ka po talaga. Ang laki talaga ng puso mo pagdating sa pagtulong."
Hindi lang ito ang unang pagkakataon na napag-alaman ng publiko ang pagtulong ni Angel dahil noon pa man lalo na nang nagsimula pa ang krisis sa pandemya ay nag-trending na ito. Kabilang sa malaking kontribusyon ni Angel ay nang sinubukan nitong mag-fund raising para bumili ng medical equipment at ibigay sa Philippines’ medical frontliners bilang tugon sa pandemya kung saan umabot halos P11 M ang naipon.
Hindi lang diyan nagtatapos ang pagiging aktibo ni Angel sa pagtulong dahil sa kasagsagan ng pagsalanta ng bagyong Ulysses noong nakaraang taon ay personal na nag-abot si Angel sa kanyang tulong.
Napag-alaman naman na isa din pala si Angel sa mga artistang nangunang mag-abot ng tulong sa mga nasalanta noong hagupit ng bagyong Ondoy at Yolanda.
Hindi naman maitatanggi na natatangi lamang na gawaran si Angel ng parangal katulad ng pagkilala sa kanya ng Philippines Red Cross (PRC) bilang Spirit of Philanthropy awardee.
Si Angel Locsin ay nakilala bilang PRC ambassador na aktibong nakikilahok sa humanitarian programs. Taong 2020 nang naging miyembro siya ng PRC Staff at nag-volunteer na tumulong para sa mga taong inilipat dahil sa bagyo.
Sadyang hindi lang kilala si Angel Locsin sa mahusay na pagbida niya noon bilang si Darna dahil kilala na din siya ngayon bilang Darna sa totoong buhay na kusang tumutulong sa kapwa.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment