Wednesday, April 21, 2021

Isang Sikat na Vlogger sa CDO City Tumalon at Naligo sa Fountain Para Dumami ang mga Followers

Mainit init pa ang pangyayari na  nag trending sa social media matapos tumalon at naligo sa isang fountain ang kilalang vlogger na sa Cagayan de Oro City para lang na dumami ang likes at followers.

Usong uso na ngayon sa social media ang mga kumakalat na mga challenge at mga dance craze na siyang kinagigiliwan ng marami dahil bukod sa nalilibang sila nakakadagdag pa raw umano ito ng kanilang mga followers at likes. 

Isa sa mga naging sikat na platform nito ay ang Facebook. Laganap sa Facebook ang mga posts tungkol sa mga ganitong uri ng mga content. Mas nagaganahan ang mga taong gumawa ng mga kakaibang contents kahit pa may batas ng nalalabag dahil dumarami ang kanilang nakukuhang likes.

Marami na ang mga kakaibang mga challenge na naipost sa social media at kung gayon na lamang ang isang vlogger na ito na binidyuhan habang tumatalon sa isang fountai sa Gaston Park.

Ang vlogger na nakilalang tumalon sa fountain ay si Jeremy Hallazgo, 20 taong gulang na nakasuot ng kulay pink na boxer shorts noong Abril 18 ng Linggo. Makikita sa video na ginawa niya umanong swimming pool ang fountain.

Marami ring mga tao ang nakakita sa pangyayari dahil ito ay saktong naka locate sa St. Augustine Metropolitan Cathedral. Maraming mga tao rin ang nagtaka kung bakit niya naisipang gawin yun at kinunan pa talaga ng video.

Nahuli agad naman ng mga awtoridad ang nasabing vlogger at ang dalawang kasama pa nito na nagsilbing cameraman at editor niya.

Pinatawan ng apat na araw na community service at kakasuhan si Hallazgo pati ang mga kasama nito ng Alarm at scandal pero inisyuhan na lamang ng City Government at Ordinance Violation Receipt OVR pero tuloy pa rin ang apat na araw na community service.

Maraming mga netizen ang nagbigay ng kani-kanilang mga pahayag tungkol sa nakitang video at hindi napigilan ng iba na magbitiw ng mga “harsh comments.”

“Madali lang bigyan ng parusa pag mahirap yung nagkasala.”

“Pasikat pa more. Sana kinulong na lang yan.”

“Walang hustisya ang binigay na parusa. Pag kilalang tao. Walang parusa!”

“Bigyan ng attention seeker award.”

Marami ang hindi natuwa sa ginawa ng nasabing vlogger dahil umano sa likes lamang ay lalabag na lang sa batas. May iba pa na nagsabing hindi makatarungan ang ibinigay na parusa dahil parang binalewala lang ang nangyari. Parang walang parusang ibinigay. 

Ngunit may iba naman na naging masaya o nakakita ng good vibes sa ginawa ni Hallazgo. Maraming mga viewers din siya sa YouTube ang natuwa dahil sa pagtupad nito sa sinabing challenge umano sa kanya. 

Humingi naman ng apology si Hallazgo at nangako rin ito na hindi na uulitin ang nagawang challenge. 

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment