Marami na ang mga kaganapan na nangyari sa mga food riders lalong lalo na sa panahon ng pandemya. Naging mas mahilig na ang mga tao na mag order ng food online dahil sa mga strict protocols at quarantine rules.
Marami rami na rin ang mga isyu ang kumalat simula nang may mga food delivery rider na nagrereklamo dahil sa umano’y hindi sila pinahihintulutang pumasok sa nasabing lugar ng kung saan sila magde-deliver.
Nitong araw lang, sobrang naantig ang puso ng mga netizen matapos ang isang wrong message ay naging act of kindness at life saver pa sa isang babae na inatake ng asthma.
Isang babae ang nagngangalang Diane Francheska Ombac ang agad nag send ng text message sa kanyang kapatid na babae para ibili siya ng gamot dahil ramdam niya ang pag atake ng kanyang asthma.
Diane: Hi wait lamg po. Kuya, di ako makahinga.
“Bilhan mo ko ventulin rotacap sa Watsons. Mura lang yun bili ka 4,” ito ang text message ni Diane na akala niya ay sa kapatid niya na isend yung message.
Driver: Ano yun
Daine: Para sa hika. Capsules yun. Please. Di talaga ako makahinga.
Driver: Malayo na ako. Ok. Papunta na.
Ngunit, hindi niya agad namalayan na ang phone number pala na kanyang pinadalhan ng mensahe ay hindi ang number ng kanyang kapatid. Ang kanyang wrong sent ay natanggap ng isang food rider na nagngangalang Ronald Bacani.
Hindi naman nagpahalata ang isang driver na wrong sent pala yung message ng babae. Agad siyang nagreply sa message ng babae at agad pumunta ang food rider at sinabi pa niya na papunta na siya.
Ibinahagi naman ni Diane ang nakakaantig na storya sa Facebook. Nagpost siya ng mga screenshot ng kanilang conversation na hindi aakalain na ang wrong sent message ay isa palang life saver.
“Hello kay kuya na mabait na naabala sa katangahan ko. Sorry, hirap na hirap na talaga ako ako kanina. Akala ko kapatid ko yung na-text ko,” sabi ng babae sa kanyang post.
“Akala ko rin siya talaga, kaya nung sinabi niyang malayo na siya, di na ako nag-reply,” dagdag ng babae.
Sinabi rin ng babae na saktong matapos umalis si kuya ay doon pa siya inatake ng asthma dahil medyo maalikabok yung mirror. Ang akala niya talaga na kapatid niya ang na-text niya.
Laking pasasalamat naman ng babae sa food rider sa pagbili at pag deliver pa umano ng kanyang gamot. Sinabi rin ni Daine na maraming mga tao naman a ng nagpahatid ng tulong sa courier via GCash matapos nang mabasa ang kanyang post.
“On behalf of kuya Ronald, thanks to everyone who helped. Let us all pay it forward. Thank you, kuya Ronald, for showing us that there’s still hope after all. Thank you Lord for people like Kuya,” updated post ng babae.
Hindi napigilan ng mga netizen na purihin ang “act of kindness” na ipinakita ng food rider sa babae. Sabi ng iba, hindi lang daw act of kindness, life saver talaga.
Kahit sa kasagsagan pa ng pandemya, marami pa ring mga tao ang patuloy na nagmamalasakit sa kapwa. Inuuna ang iba kaysa sa arili. Maraming mga balita na ang kumalat gaya sa balitang naitampok.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment