Wednesday, April 28, 2021

Kakaibang Pantry: Lalaki, Nagtayo ng Jowa Community Pantry; Netizen, Hindi Natuwa “Mocking the Essence of Community Pantries”


Marami ang natuwa nang sinimulan ni Ana Patricia Non ang isang community pantry sa Maginhawa Street sa Quezon City. Ito ay nagsilbing inspirasyon na ng karamihan upang magtay na rin ng pantry sa kanilang mga lugar. 

Ang tunay na goal ng movement na ito ay matulungan ang mga taong labis na naapektuhan sa panahon ng pandemya. May kasabihan sa bawat pantries na itinayo, “kumuha ayon sa pangangailangan, magbigay ayon sa kakayahan. Ito ay isang napakagandang movement sa kasagsagan ng pandemya. 

Sa bawat lugar, iba’t ibang mga pakulo ang ginawa ng mga tao sa kanilang istilo ng kanilang pantries. Ang iba ay ginawa pang i-double purpose ang purpose ng community pantry.

Sa Antipolo City, napagkasunduan ng mga organizers na para ma-reduce ang carbon footprint, kailangan magdala ng tao na pupunta sa pantry ng kanyang sariling bag or bottle. BYOB (Bring Your Own Bag/Bottle) para lalagyan sa mga condiments. 

Sa Makati naman, sa halip na tao ang maging beneficiary ng kanilang pantry, aso at pusa ang napili ng mga ito na pagbibigyan ng mga essentials. “Huwag natin kalimutan na bahagi rin sila ng ating community,” sabi ng community pawntry organizer na si Avien Rosete sa kanyang Facebook post. 

Kakaiba rin ang ginawang pantry sa Pasig City. Isang netizen ang nag set-up ng community pantry na ang nasa pantry naman ay mga laruan at comic books. “Protect your mental health.”


Isang community pantry naman ang nag-offer ng mga goodreads. Libro naman ang nasa pantry nito bilang pampatanggal ng stress at para na rin sa mental health ng bawat isa. Lahat ng libro dito ay na sanitized na, napunasan at nalinisan na rin. 

Taliwas sa mga essential goods, may isang community pantry din ang namimigay ng mga contraceptives para i-advocate sa mga tao tungkol sa family planning  at sexual health sa Davao region. 

Ang movement na ito ay inoorganisa ng LGBT-Queens Organization ng Barangay 76-A Bucana, Davao City.

Sa mga mahihilig naman sa K-pop group, nag set up ang mga fans ng iconic group na BTS ng kanilang BTS-themed community pantry sa Cavite para mamigay ng gulay at bigas ng libre. 

Ngunit, pinaka naiiba ang ang pantry na ipinost ng isang lalaki sa Facebook na nagngangalang Jesse James Loves na mismo ang kanyang sarili niya ang ino-offer niya sa mga tao. Sa halip na essential goods, siya ang nagsisilbing goods. 

Nakalagay sa kanyang karatula ang “Jowa Community Pantry” habang nakaupo siya katabi ang kanyang itinayong pantry.

Nakalagay sa kanyang Jowa Community Pantry ay;

-Tall, dark and pwede na

-Loves the Lord

-No issues

-Slightly used

Marami naman ang natuwa at sinabing good vibes ang hatid ng lalaki sa kanyang pinost na Jowa Community Pantry.

“Funny! What we need now. Humor!

“Natawa talaga ako sa kanya slightly used at least honest! Love this guy. Comediante.”

Kahit marami ang natuwa sa ginawang pantry ng lalaki, marami naman ang hindi sumang-ayon sa ginagawang pagpapatawa nito.


“Mocking the essence of community pantries.”

"I guess because we live in a social media age if you don’t, like, get on the megaphone about stuff it’s like it’s a secret, but I never know how much is oversharing.” - Riz Ahmed, Oscar-nominee for Sound of Metal,” cp+omment ng isang netizen na hindi natuwa sa post ng lalaki. 

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment