Sa panahon ng pandemya, maituturing na labis na naapektuhan ang mga senior citizen na siyang kabilang sa vulnerable sector (A2) na siyang pinagtutuunang pansin ngayon ng ating gobyerno para mabigyan ng bakuna.
Ang mga taong gaya ng nasa kanilang edad ay marami pa rin ang nagtatrabaho para lamang masustentuhan ang kanilang araw araw na pangangailangan. Ngunit may iba rin naman na hindi na kayang magtrabaho kung kaya inabot na lang ng gutom.
Ganito na lamang ang isang recent video sa Youtube na ibinahagi ng isang lalaki ang kanilang pagkikita ng matanda. Ibinahagi ni Denso ang kanyang pakikipag usap sa matanda.
Sa kanyang video, labis na nahabag ang rider at vlogger sa isang matandang babae matapos ito lumapit sa kanya at humingi ng P5 dahil nagugutom na raw ang matanda.
Ang 83 taong gulang na matanda ay nag-iisa na lamang sa buhay matapos layasan ng kanyang mga anak kaya labis na lamang ang kanyang pagpapasalamat sa rider sa inabot na tulong nito sa kanya.
“May nadaanan akong lola, habnag tinitingnan ko siya sa aking side mirror, may kung anong kirot sa aking puso. Nakaramdam ako ng kabag sa kalooban. Nanghihingi siya ng pera,” sulat ni Denzo sa kanyang video.
Kitang kita sa video ang paglapit ng matandang babae sa kanya at humingi ito ng makakain dahil hindi pa raw ito nanananghalian. Nanghingi siya ng limang piso para pambili ng pananghalian at laking gulat ng matanda na binigyan na lamang siya ng rider ng isang kahon ng biscuit.
Bukod sa biscuit na ibinigay ng lalaki, binigyan din niya si lola ng pera para makauwi ito sa kanila dahil alam ng rider na hindi makakauwi si lola hangga’t walang nagbibigay sa kanya ng pera pauwi. Binigyan siya ng P500 ng rider.
“Pagpalain ka ng Panginoon, dito ako sa looban. Bicolana ako. Nung namatay ang asawa ko,m mag isa na lang ako sa bahay. Nilayasan ako ng mga anak ko,” sabi ni lola.
Tinawag naman ng rider ang isang tricycle driver at nakiusap itong ihatid si lola sa kanyang kinaroroonan. Sabi naman ng tricycle driver, walang problema dahil malapit ang lugar kung saan siya naninirahan.
Dagdag pa ni lola, hindi pa siya nag almusal. Sinabihan naman ng vlogger rider na dapat bibili si lola ng pang almusal para makakain na ito.
“Sino nagbigay nito? Hindi mabuksan,” tanong ni lola sa rider.
Agad naman kinuha ng rider vlogger ang food container na lalagyan ng biscuit para buksan ito at sabay tanong kung wala ba talagang kasama si lola sa bahay sa isang lalaki na kausap ni lola.
Laking pasasalamat ni lola sa tulong pinansyal na ibinigay sa kanya.
“Salamat anak may pagkain na ako sa isang linggo,” sabi ni lola sa rider.
Maraming mga netizen ang labis na naantig ang puso sa nakitang video na ibinahagi ni Denso sa kanyang YouTube channel.
“Kawawa naman si lola sna sa mga anak paalala lng wg natin hayaan mg isa ang ama o ina natin lalo kung tumanda na.tandaan natin na iisa lng ang magulang natin."
"Idol denso sana mapuntahan mo yung bahay ni lola para matulungan mo pa ulit.. mas kelangan nya ng tulong idol."
"Nadurog ang puso ko ng makita ko ganyan si Lola. Sana nmn sa mga anak nya pangalagahan nyo mga magulang nyo."
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment