Hindi mapapantayan ang paghanga ng mga netizen sa isang napabalitang ginawa ng isa ring netizen na na nakakita ng Php 10,000 na nakaipit sa isang ATM sa Calasiao, Pangasinan.
Isang ina sa Calasiao ang nag utos ng kanyang anak na mag withdraw ng Php 1,000 para may magamit sila para pambili ng kanilang mga pangangailangan at may panggastos na rin.
Nang nag withdraw na ang kanyang anak na napag utusan ng kanyang nanay, inakala niyang walang umanong pera na lumabas sa ATM Machine sa kanyang pag withdraw.
Inamin ng anak na hindi niya rin pala kabisado ang paggamit ng ATM machine at sinabi ng nanay na Php 1,000 lang din ang dapat kunin ng anak para pang gastos nila.
Dahil hindi kabisado ang kanyang anak sa pag withdraw ng pera, may pangyayari na hindi nila inaasahan at mabuti nalang at may tao na may mabuting loob na hindi pinagsamantalahan ang pagiging hindi kabisado ng anak sa pag withdraw ng pera sa ATM machine.
Ang mag-ina pala ay isa sa mga beneficiary ng 4P’s at nasabi rito na hold pala ang benepisyo nito ngunit nang araw na iyon, may nakapagsabi sa kanya na i-check ang ATM sa pagbabasakaling mayroon na itong laman.
Dahil nga naninibago ang anak niya, nagpatulong umano siya sa tao na naroon. Hindi nga siya sinuwerte dahil malabo ang mata ng kanyang napagtanungan kaya naman sa halip na Php 1000 lang ang iwi-withdraw naging Php 10,000 ito.
Ngunit ayon sa anak, may lumabas umano na “Sorry” sa ATM kaya inakala niyang wala talagang pera na lalabas mula sa ATM machine.
Subalit nagpatuloy pala ang transaksyon dahilan para maipit sa ATM ang pera na nagkakahalaga ng Php 10,000.
Swerte pa rin ang mag-ina dahil mabuti ang kalooban ng ao na nakakita ng kanilang pera at nagmalasakit talaga itong isauli ang Php 10,000 kaya dinala ito sa barangay na siyang nagpost na sa social media para mapadali nito ang pagkuha at pagsauli sa nagmamay-ari ng pera.
Natulungan naman sila ng bangko upang ma-verify na sa tamang tao mapupunta ang totoong nagmamay-ari ng pera.
Sa hirap ng buhay ngayon, hindi pa rin natin maipagkakaila na may mga tao pa ring pinipili ang pagiging mabuti at matapat sa ating kapwa. Pinipili pa rin ng ilan na manatiling matapat at pipiliin ang totoo kahit pa man sa kahirapan ng buhay.
Marami namang mga istorya ang ibinida na sa social media at mga kwento na nakaka inspire sa karamihan. Sa panahon ng pandemya, maraming tao ang naghihirap ngunit may ba pa rin na handang tumulong sa kanilang kapwa.
Kahit nasa harapan mo na ang nakakasilaw na pera, nakakatuwa pa ring isipin na nangingibabaw pa rin ang kabutihan ng isang tao. Hindi pa rin nagpatinag sa mga ganitong klaseng sitwasyon.
Sa panahong ito, kailangan ng marami na manatili ang kabutihan kahit paman na tayo ay nasa kalagitnaan ng pandemya. Mas kailangan natin maging mabuti dahil pareho tayong naghihirap.
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment