Viral at kinaaaliwan ngayon ng maraming mga netizen ang Facebook post na ito ng netizen na si Don Dizon. Ibinahagi niya kasi rito ang tungkol sa umano’y paghahanap niya ng “ilaw ng tahanan” matapos na makalipat na sila sa kanilang bagong bahay.
Sa kanyang post, masayang ibinahagi rito ng netizen ang pagkatupad ng isa nitong pangarap at ng kanyang mga anak; ang makalipat sa bago at sarili nilang tahanan. Ani rito ni Don, matagal daw itong naghintay para matupad ang naturang pangarap kaya ganun na lang ang kanyang kasiyahan.
“Finally, we’re moving in! Thankful and grateful for this little space to call ‘our very own.’ Yahoo sa wakas! Tagal kong hinintay ‘to! Hindi man kalakihan katulad ng iba pero sabi nga nila lahat naman nag-uumpisa sa maliit,” saad pa nito.
Dagdag pagbabahagi pa nito, “pangarap” at “inspirasyon” umano para sa kanila ng kanyang mga anak ang makapagpundar ng kanilang sariling bahay. Hindi lang din ito isang simpleng tahanan dahil maraming mga netizen ang sasang-ayon na maganda ang disenyo ng naturang bahay at maganda itong tirahan.
“Pangarap para sa aking mga anak na magkaroon kami ng sariling bahay. At sila ang aking munting inspirasyon para mabuo ang bahay na ito. All praises go to God because he is the greatest!” saad pa ulit nito.
Ngunit, ang sumunod na isinaad ni Don ay talaga namang kumuha sa atensyon ng maraming mga netizen. Halos kumpleto na ang buhay ng netizen ngunit, mayroon pa umano itong isang bagay na hinahanap. Ito ay ang magiging “ilaw” ng kanilang tahanan.
Kaya naman, naghahanap umano ngayon ito ng “ilaw ng tahanan” na magpapaliwanag umano hindi lamang ng kanilang bahay kundi ng kanila ring buhay. Kinaaliwan naman ng mga netizen ang pahayag na ito ni Don dahil inilatag pa nito ang mga magiging benepisyo umano ng matatanggap na “ilaw ng tahanan”.
Mula sa budget na Php15,000 na may kasama pang pang-online shopping, kompleto din umano ito sa benepisyo gaya ng SSS, Philhealth, at life insurance. Kaya naman, hindi maiwasan ng maraming mga netizen na maaliw sa paghahanap na ito ng netizen ng kanyang makakatuwang sa buhay.
“Wanted: Ilaw ng tahanan, para lumiwanag na ang aking buhay at ang aming bahay. Budget monthly 15,000 pesos starting. Benefits—SSS, PhilHealth at life insurance. May extra 5,000 pesos GCash pang online shopping kapag lagi malinis ang bahay.
“Kaya huwag puro heart, wave-wave din mga mars! Char lang mars, apply na!” ang mapagbirong saad pa nga ng netizen.
Dahil dito kaya naging viral ang naturang post at umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizen. Bentang-benta sa mga ito ang mga pahayag ni Don kaya naman, marami rin ang tumugon sa post nito. Heto nga ang ilan sa komento ng mga netizen sa kanyang post:
“Wow iba rin si Kuya! Sabagay, iba pa rin kapag well-established na ang lalaki. Pila na, mga mars!”
“Congratulations Don! Mga mars, mag-apply na kayo bilang ilaw ng tahanan para di na sadboy si Don!”
“Hanap ka na ng ilaw ng tahanan, Don. Marami namang emergency bulb o solar light diyan hahaha literal pala eh no. Baka maraming mag-aplay niyan… pila!”
“May queue po ba? Mukhang mahaba ang pila eh, hahaha”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment