Friday, May 21, 2021

Isang Nakakapangilabot na Pangyayari sa Bacolod City, Aktong Nakuhanan ng Video


Isang nakakapangilabot na waterspout sa karagatan ng Bacolod City ang gumawa ng ingay nang masaksihan ito ng mga maraming mga netizen.

Isang napakalaking “tornadic” waterspout ang ang nangyari hindi lalayo sa Bacolod Real Estate and Development Corporation (BREDCO) wharf nitong araw ng Linggo.

Marami ang natakot sa nasabing “tornadic” waterspout dahil sa umano'y natatangi nitong laki at parang hihigupin sila ng mga taong nasa malapit lang ang lokasyon kung saan naganap ang pangyayari.

May naibalita ring pinsala sa nasabing waterspout na naganap hindi kalayuan sa BREDCO. Nagkaroon ng mga damage sa ilang mga fishpens kung saan malapit lang ang tornadic waterspout.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, ang mga waterspout ay isang natural occurrence lamang ngunit napakadalang lang ng mga tornadic waterspout sa Pilipinas.

Iniulat din ng weather agency na ang umapela sa BREDCO wharf ay masasabing tornadic waterspout na maaaring ito ang naging dahilan ng severe thunderstorm sa Bacolod City ng mga oras na iyon.

Kahit maraming tao ang nakakita na ng mga ganitong klaseng scenes o pangyayari sa mga videos na pinost sa YouTube at iba pang online social media platforms, marami ang nagsabi na first time nilang makakita ng ganitong klaseng scene sa personal. 

Ang mga tao sa BREDCO wharf sa mga oras na iyon ay nakatutok talaga kung paano ikonekta ng waterspout ang kalangitan at ang dagat na kitang kita ang tubig sa pataas na direksyon patungo sa mga ulap.


Samantala ang isang malaking wall ng tubig na nasa 30 hanggang 40 feet ang taas ay napapalibutan ang bahagi kung saan ang waterspout ay nagsimula ng umikot sa pataas na direksyon.

Maraming mga tao ang naging saksi sa naturang pangyayari at marami rin ang naglabasan ng kanilang mga mobile phones upang kunan ito ng video. 

Ang tornadic waterspout o mas kilala bilang “tornadoes over water” ay nabuo mula sa mesocyclones sa paraan na identical sa land-based tornadoes na maaaring maging dahilan ng severe thunderstorms ngunit nangyayari lang sa tubig.

Ang tornado na nagtatravel mula sa lupa patungo sa isang bahagi ng parte ng tubig o karagatan ay kinokonsidera na tornadic waterspout. 

Matatandaan ding mahigit taon na ang nakalipas nang nag viral ang post tungkol sa tornado na nangyari sa Cotabato. Ipinakita sa mga larawan ang mga pinsalang dulot ng kalamidad na nag strike sa Dungo-an. 

Ngunit ang pangyayari ito ay binawi at sinabing hindi totoo ang balita.

Mga buwan din ang nakalipas, totoo at napaka rare na formation ng multiple waterspouts or ipo-ipo ay nangyari talaga sa Laguna de Bay. Ang mga mismong nakasaksi ay nakakita ng hindi sumobra sa apat na waterspouts sa Laguna Lake.


Marami din ang nakakuha ng nasabing video ng tornado at ang waterspouts din na nakita sa Laguna ay napabalitang nakita rin sa ilang parte ng Rizal at Muntinlupa.

Source: KAMI

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment