Isang kahanga-hangang istorya na naman ang bagong pinagkakaguluhan ngayon ng mga netizen tungkol sa isang OFW na nagpa wow sa kanyang mga naipundar na ipinasilip niya sa Idol in Action.
Sa programa ni Raffy Tulfo na “Idol in Action” ibinahagi niya sa kanyang programa ang isang nakakamanghang kwento ng isang OFW na si Arnold Mojica.
Taong 1993 pa nagtungo si Arnold sa France bilang OFW at doon na naghahanapbuhay hanggang magkaroon na ng maayos na papeles.
Mula sa trabaho sa isang restaurant ay nagkaroon sila ng janitorial services at dulot ng kanyang sipag at determinasyon sa trabaho, hindi maipagkakaila ang magandang naging bunga nito.
Kahit paman may janitorial services na si Arnold at ang kanyang asawa ay patuloy pa rin silang nagtatrabaho. Hindi pa rin sila tumigil sa pagtatrabaho kaya kung gayon na lang ang naging bunga ng kanilang mga pagsisikap.
Sa programang “Idol in Action labis ang pagkamangha ng mga netizen maging si Raffy Tulfo nang makita ang 3000 square meters kung saan nakatayo ang kanilang mala mansion na tahanan sa Pampanga.
Sa ipinakita sa programa, ang kanilang magarbong tahanan ay may limang bedrooms at ang espasyo ng kanilang tahanan ay kaya mag park ang apat na sasakyan o higit pa.
Marami ang na inspire sa naging kwento ni Arnold at ng kanyang misis. Dulot lang ng kanilang pagsisikap at mataas na pangarap, ay hindi na nila mawari kung gaano na kataas ang kanilang naabot.
Ang kwentong ito ay nagpapatunay na lamang na hindi hadlang ang kahirapan o kahit ano paman yan sa iyong mga pangarap. Kung ikaw ay may pinaghuhugutan talaga ng iyong pangarap at determinadong maabot ito, kayang kaya mo abutin ang iyong ninanais.
Isa rin itong inspirasyon sa lahat ng mga OFW na ipagpatuloy lamang ang kasipagan at huwag agad susuko sa pag abot ng iyong pangarap. Kinakailangan talaga ang sipag, determinasyon at mahabang pasensya sa pagkamit ng iyong mga pangarap.
Ang programang “Idol in Action” ay isa sa mga magagandang programa na kung saan marami kang makukuha na mga inspirasyon at aral tungkol sa mga taong may paninindigan at tiyaga sa buhay na kung saan si Raffy Tulfo ang host ng nasabing programa.
Si Raffy Tulfo ay isang batikan na broadcast journalist na sikat sa kanyang programa na “Raffy Tulfo in Action” na kung saan maraming mapapanood na mga kwento ng buhay, mga ipinaglaban sa buhay at mga kwentong kailangan mabigyan ng hustisya.
Kilala rin siya bilang isang sikat na Youtuber sa bansa na kung saan siya ay may mahigit 20.3 million subscribers ng channel niya na “Raffy Tulfo in Action.”
Malapit din ang loob ni Raffy sa mga OFW na araw-araw niyang binabati at pinupuri bago pa man magsilmula ang kanyang programa na “Wanted Radyo tuwing hapon.
Marami rami narin ang mga kwentong binigyan na ng solusyon sa programang ito. Mga kwentong kailangan isumbong sa sinumang pwede makatulong. Mga bagay na kailangang bigyan ng kalinawan at maayos na pamamaraan sa pagresolba ng mga problema.
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment