Monday, June 14, 2021

Ina ng Groom, Natuklasan ang Bride na Siyang Nawawalang Anak Niya Dahil sa Nakitang Birthmark Nito ‘Pangako Sa’yo in Real Life’


Nagkagulo ngayon ang social media matapos nagkaroon ng dramatic twist sa isang kasalan na may pagkakahawig sa di malilimutang kwento ng drama ng ABS-CBN na “Pangako Sa’yo.”

Nagsimulang magkagulo nang natuklasan ang isang birthmark ng isang ina ang babaeng pakakasalan ng kanyang anak ay ang matagal pala niyang nawawalang supling.

Sa serye, pinigilan ni Yna at Angelo sa kanilang wedding vow dahil sa maling paniniwala na ang dalawa ay may iisang biological father, si Eduardo. 

Dahil sa tagpong iyon, napilitang buwagin ni Yna at Angelo ang nabuong pangarap. Hanggang sa ihayag ng ina ni Angelo na si Claudia na ang kanyang ama ay hindi si Eduardo.

Ang insidenteng ito ay nangyari matapos malaman ng nanay ng groom na ang kanyang daughter-in-law ay kanya palang long-lost biological daughter.

Sa report ng China Oriental Daily, nakita ng nanay ng groom ang isang birthmark sa kamay ng bride na pareho sa birthmark ng kanyang long-lost biological daughter.

Tinanong niya kung adopted ba ang bride sa inakalang magulang nito (bride’s parents). Laking gulat ng parents ng bride dahil walang nakakaalam sa totoong istorya nito.


Inamin ng parents ng bride, 20 taon na ang nakalipas, nakita nila ang bride sa roadside, inalagaan at minahal na parang tunay na nilang anak. 


Matapos ang isang kumpirmasyon, tinitigan ng babae ang bride na napaluha at nagyayakapan ang dalawa. Kitang-kita ng nanay ng groom ang kanilang resemblance.

Na-confuse ang bride sa nangyari lalo na ‘yung lalaking pakakasalan niya ay kaniyang kapatid.

Nawala lahat ng confusion ng bride dahil sinabi ng babae na ang groom at bride ay hindi magkakapatid. Sinabi niya na adopted lang ang groom matapos mawala sa kanya ang kanyang  anak.

Ngunit naging magaan ang lahat ng malaman na isa rin palang ampon ang groom. Inampon nila ang groom matapos na mawala sa kanya ang pag-asa na makita muli ang kanyang nawawalang anak na babae. Nangangahulugan ito na ang parehong ikakasal ay ganap na walang kaugnayan, at ang kasal ay maaaring magpatuloy sa plano.

Samu’t saring komento naman ang ipinahayag ng mga netizen sa nag viral na post. Ika ng karamihan, “real-life soap opera talaga ang nangyari.” At nagpapasalamat na hindi magkadugo ang dalawa. 

“At least, hindi sila magkadugo kasi ampon din yung lalaki… Ang mahirap yang mga “test tube” babies, na hindi identified mga biological father”, sabi ng isang netizen sa kanyang komento.

“Luckily, the groom is just an adopted son. Relax lang mga beh, ampon ang groom.”

May iba namang mga netizen na nagbigay ng komento at nagtaka na bakit sa araw pa ng kasal nalaman at ito lang ba yung unang pagkikita ng dalawa kasama ang kanilang mga magulang.

“Bakit sa araw ng kasal pa nalaman?” Does it mean, ito ‘yung unang pagkikita?”, tanong ng isang netizen sa kanyang komento.


Nangyari ang umanong kasal base sa kanilang plano at ‘yung nga lang may ‘twists’ na ang anak ng babae ay naging son-in-law niya at ang bride na daughter-in-law sana ay naging tunay na niyang anak.

Source: socmedtoday

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment