Isa na namang kwento ang naging inspirasyon ng lahat matapos pinabilib ng isang PWD na sa kabila ng kapansanan ay patuloy pa rin niyang itinaguyod ang kanyang pamilya binibigay ang araw-araw na pangangailangan nito.
Sa isang video na ibinahagi sa Facebook page na “Sabrinacio Footwear- main,” makikita na nadaanan nila ang isang babae na nagtitinda sa gilid ng kalsada habang silay ay nagbibiyahe.
Makikita rin sa video ang pagtatanong kung saan patungo ang lugar na kanilang tinahak sa kanilang pagbiyahe. Doon nila nalaman ang pangalan ng babae na si Rosal, 38 taong gulang na.
Nabanggit ng babae sa video na ang kanyang paninda ay naubos na raw. Makikita sa video na dala dala ng babae ang kanyang ice bucket na may lamang ice candy na kanyang itinitinda sa araw-araw.
Sa kalagitnaan ng video ay tinanong si Rosal ng mismong kumuha ng video na kung siya ba ay may paniniwala sa Panginoon. Dito ay pinagdaop na ni Rosal ang kanyang mga palad at saka tumango siy. Matapos ng moment na iyon ay binigyan si Rosal ng pera ng kumuha ng video.
Labis ang tuwa at pasasalamat ni Rosal sa natanggap na biyaya mula sa mismong kumuha ng video. Aniya, malaking halaga na para sa kanya sa kanyang pamilya ang pera na iyon na magagamit nila sa kanilang araw-araw na panggastos.
Basahin ang kabuuang post:
"WHEN WE BELIEVE, GOD WORKS 🥺🙏🏻💯
Siya si ate rosal 38 yrs old taga bauang la union. Nakasalubong namen sya sa init ng araw nag titinda ng kakanin sa daan para lang mabuhay. Kita sa mukha nya yung pagod at hirap ng buhay. Pero disya nawalan ng pag asa at alam nyang mahal sya ng panginoon at alam nyang di sya pababayahan 🙏🏻❤️💯"
Bumuhos ang mga komento ng mga netizen sa mga nakasaksi ng naturang video at punong-puno ng mga positibong komento ang natanggap ni Rosal at maging sa online post ng kumuha ng video.
Mabilis nag viral ang post at humakot ng samu’t saring mga komento mula sa mga netizen. May isang netizen na nagsabi na taga Barangay Bautista, Caba daw si Rosal at minsan ay nanghihingi daw ito ng mga barya at naglalako din ng balot.
While viewing this short clip it breaks my heart into pieces and I didn't notice a tear roll down my face.I salute you sir, continue to be a blessings to others all the time. May God bless, guide your family always and gives you an overflowing blessings.❤💙💚"
Si Rosal po yan tga Caba La Union palagi kopo yan kinaksusap kpag nkikita ko sa skul o dadayo sa amin..Napakabait mo po Sir Sana all may mabuting puso, I am proud of u Sir..🥰"
"Good samaritan kahit pala nasa pand3mic tayo mero at meron paring taong gaya ni ser.ser kahit hindi ko nakita mukha mo sana maulanan ka para dumami ka.god bless and to your family"
Hindi bago ang mga ganitong kwento na minsan narin nagpaantig sa puso ng mga tao. Ang ilan sa mga ito ay nagsilbing inspirasyon sa lahat ng mga tao na hindi kailanman naging hadlang ang pagkakaroon ng kapansanan sa pag abot ng iyong mga pangarap.
Tunay na kahanga-hanga ang ganitong mga tao gaya na lamang sa istorya ni Rosal na gagawin ang lahat ng kanyang makakaya para lamang sa kanyang pamilya.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment