Wednesday, June 30, 2021

Jean Garcia sa Kanyang Son-in-Law na si Alwyn Uytingco: “Di ka marunong rumespeto sa mother-in-law mo.”


Sunod-sunod na mga mensahe ang ipinaabot ng aktres na si Jean Garcia sa Instagram para sa kanyang son-in-law na si Alwyn Uytingco na patuloy pa rin ang pagpo-post tungkol sa kanyang asawa na si Jennica Garcia at kanilang mga anak. 

Dito ay inihayag ni Alwyn ang kagustuhan na maayos pa ang relasyon nila ni Jennica matapos ang hiwalayan ng mga ito na kinumpirma nang huli noong Mayo.

Ngunit, nito lamang ika-28 ng Hunyo, sunod-sunod ang mga naging banat ni Jean sa mga post na ito ni Alwyn at nag-iwan ng mga komento niya rito tungkol sa hindi umano pagrespeto ni Alwyn sa kanya bilang kanyang mother-in-law.

Komento pa nga ni Jean sa isang IG post ni Alwyn kung saan, dasal umano nito na maayos din ang lahat sa kanila ng kanyang asawa,

“Talaga ba yan Alwyn?!!! Sana sinagot mo message ko sayo…respeto kase yon bilang magulang ni Jennica. Kausapin mo kaya ako para magkaintindahan tayo! Ok ka lang ba?!”

Sa isang pang IG post ulit ni Alwyn, ipinagtanggol ni Jean ang anak na si Jennica na nakaranas umano ng mga heartaches dahil kay Alwyn. Kaya naman, ani nito rito,


“Wow nganon naiisip mo mga anak mo??? Tama naman yan pero yung heartaches ni Jennica sayo?! Ok ba?!!! Tanong lang Alwyn???”

Hindi rin nagdalawang-isip si Jea na pagsabihan si Alwyn na hindi umano ito rumerespeto sa kanya bilang nanay ng kanyang asawa matapos na hindi man lang nito pinansin ang mga mensahe niya umano para rito.

Saad pa nga ulit ni Jean kay Alwyn,

“Haaayyy kawawa kase ikaw di ka marunong makipag-usap Alwyn, respeto lang hinihingi ko sayo, di ka marunong rumespeto sa mother in law mo…yun lang naman…just saying!!!”

Maliban sa mga tuwirang pahayag na ito ni Jean kay Alwyn, nagbahagi rin ito ng isang makahulugang IG post na animo’y patungkol pa rin sa asawa ng kanyang anak. 

“A real man chooses to honor, love, respect, adore, and be faithful to one woman,” ang nakasaad pa nga ibinahaging larawan ni Jean.

Sa kabila ng pagkumpirma ni Jennica sa hiwalayan nila ng asawang si Alwyn, tumanggi ito na ihayag ang tunay rason sa likod ng hiwalayan nilang ito. Ngunit, nilinaw naman ni Jennica na hindi pera ang dahilan ng kanilang hiwalayan gaya ng isinasaad ng iba.

Ayon kay Jennica, sa kabila ng nangyari sa kanila ni Alwyn ay hindi umano nito magagawang magsalita ng masama laban sa ama ng kanyang mga anak.

Samantala, hindi naman tumitigil si Alwyn sa pagbabahagi ng kanyang damdamin tungkol kay Jennica at kanyang mga anak. Sa Instagram ay malayang ipinapahayag ni Alwyn ang kagustuhan na muling maayos ang relasyon nila ni Jennica at muling makasama ang kanilang mga anak.

Ani pa nga ni Alwyn sa isa mga pinakahuling post nito tungkol ka Jennica,


“Mahal kita, @jennicauytingco. Sorry sa lahat ng pagkukulang ko. Patawad sa lahat ng pagkakamali ko. Di mahalaga kung ano sabihin nila.. ang mahalaga para sakin ay mga salita na manggagaling sayo. Natalisod man ako, hindi ko hahayaan na nandito lang ako. Babangon ako, mahal. At patuloy na babagtas patungo sayo. Mahal na mahal kita.”

Source: gmanetwork


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment