Natural lang talaga sa isang bata na mawili sa panonood ng mga cartoons at mga fantasy movies na siyang nagdulot ng pagkakaroon ng mga pagnanais ng isang bata sa kanyang childhood stage na mahumaling sa ganitong mga bagay.
At sa paglipas ng panahon ay napapaniwala na ang mga bata na parte na ito ng kanilang reyalidad. Ang nakasanayang mga pantasya ay ginawang repleksyon ng kung ano talaga ang mga nangyayari sa mundong ito.
Ang isang tao ay binigyan ng natural na reaksyon ukol sa mga pangyayari at ng kanyang mga naranasan. Dito na pumapasok ang pagkakaroon ng panaginip na nararanasan ng bawat tao.
Katulad na lamang ng nangyari sa isang dalagita sa Indonesia na inakalang naging totoo ang nangyari sa pelikulang "Sleeping Beauty."
Ang dalagang ito ay kinilalang si Sitti Raisa Miranda, mula sa bansang Indonesia na may kondisyon na kung tawagin ay “Kleine-levin syndrome”.
Ang “Kleine-levin syndrome” ay isang rare disorder na inilarawan ng pagkakaroon ng tinatawag na "excessive sleep." Ang naturang indibidwal na tinatbalan ng ganitong rare diisorder ay sinasabing makakatulog ng 20 hours per day sa isang episode. Ang 'episode' ay tumatagal ng araw o hanggang linggo lang.
Una itong nadiskubre sa dalaga nang siya ay ipatingin sa doktor ng kanyang mga magulang matapos nitong matulog at hindi magising ng buong araw.
Habang nadaragdagan ang edad ni Sitti, mas lumalala ang sintomas ng kanyang sakit na kilala rin sa tawag na “hypersomnia” (excessive sleepiness. There are many causes of excessive sleepiness, including insufficient or inadequate sleep, sleep disorders, medications and medical or psychiatric illnesses. The characteristics of hypersomnia vary from one person to the next depending on age, lifestyle and underlying causes-- by definition)
Dahil mas humahaba pa ang oras at araw ng kanyang pagtulog at katunayan nitong nakaraang buwan ng Abril, inabot ng 13 araw ang pagtulog ni Sitti bago siya nagising.
Ayon sa ulat, pinakain lamang siya ng kanyang mga magulang ng malambot na pagakain at napansin na nitong inaantok na at kailangan na mag banyo kapag magalaw itong matulog at tila balisa.
Sa ngayon, wala pang balita na maari makapagbigay ng lunas sa naturang rare disorder. Kaya ganun na lamang katindi ang panalangin at pag-aalala ng kanyang mga magulang na mabigayan na ng agarang lunas ang kanyang anak para maranasan naman nitong mamuhay ng normal.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment