Friday, August 20, 2021

Babaeng Traffic Enforcer sa Cebu, Nanapak Umano ng Isang Food Delivery Driver sa Kalsada


Viral ngayon ang kuhang video na ito ng isang motorista at food delivery rider sa Cebu na sinapak umano ng isang babaeng traffic enforcer sa kalsada. Ito ay matapos umano na parahin siya ng enforcer dahil sa pagpapatakbo niya sa pedestrian lane kahit mayroong tumatawid.

Ayon sa motorista, aminado umano ito na mayroon siyang maling ginawa. Ngunit, ang hindi niya maintindihan ay ang ginawa umanong pananapak sa kanya ng babaeng traffic enforcer. 

Sa video na kanyang ibinahagi, kita ang ginawang pananapak na ito sa kanya ng galit na enforcer. Sa lakas nito ay nahulog pa ang kanyang cellphone na anito ay muntik na umanong mabasag.

Paulit-ulit na tinanong dito ng lalaki kung bakit kailangan pa nitong manapak. Huminto na umano siya gaya ng sinabi nito ngunit, matapang pa rin ang enforcer at sinapak siya nito pati ang kanyang cellphone.

Samantala, paulit-ulit din ang sinasabi ng enforcer na paghingi ng lisensya ng driver. Katwiran niya sa kanyang ginawa, hindi raw kasi huminto ang driver kahit mayroong mga tumatawid na pedestrian.

Ani nito, wala raw masama sa ginawa niya at inulit-ulit pa nito na nagpapasikat lamang daw ang driver. Sinabihan niya pa ito na wala raw karapatan ang driver na kunan siya ng video. Ngunit, hindi rin nagpatinag ang driver at sinabihan ang enforcer na wala rin daw itong karapatan na manapak ng motorista.

Hindi rin sinasagot ng enforcer ang tanong nito kung bakit kailangan nitong manapak ng motorista kahit hindi naman ito kasali sa trabaho nito. Hanggang sa animo’y napuno na ang enforcer sa kakatanong ng driver kaya umabot na ito sa paghahamon niya ng suntukan.

“Unsa’y gusto nimo? Sumbagay tang duha?,” paghahamon pa nga ng traffic enforcer habang galit na tinatanggal ang suot nitong vest.


[Anong gusto mo? Suntukan tayong dalawa?]

Buti na lamang ay pinigilan ito ng mga naroroon sa lugar at pinakalma ang enforcer. Ngunit, hindi pa rin humupa ang galit nito sa rider na pilit siyang pinapaamin na mali ang ginawa nitong pananapak sa kanya.

Bagama’t una nang inako ng driver na mayroon itong ginawang mali, nais niya rin na aminin ng enforcer na mayroon din itong mali dahil sa ginawang pananapak nito sa kanya. Ngunit, nagmatigas pa rin ang enforcer at sinabing walang mali sa ginawa niya rito.

Dagdag ani pa nga ng enforcer, nagpapasikat lamang umano ang motorista ngunit wala araw siyang pakialam dito. Kahit magviral pa raw ang kuha nitong video sa kanya ay wala siyang pakialam.

Sa huli, kahit hindi pa naaayos ang tensyon sa kanila ay pinaalis na lamang ang motorista ng mga naroroon para matigil na ang gulo.


Agad naman na naging viral ang videong ito sa social media kung saan, umani ng mga pambabatikos ang enforcer na ani ng mga ito ay masyado umanong maangas. Kahit na nagtatrabaho umano ito sa gobyerno ay wala raw itong karapatan na manapak ng motorista. 

Kung tutuusin, kasama umano sa trabaho nila na maging kalmado sa kalsada dahil hindi talaga maiiwasan na makatagpo ito ng mga motorista na matitigas ang ulo.

Panoorin ang buong video dito! 


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment