Kalalabas lang ngayon ng balita tungkol sa isang maituturing na social media influencer na si Andrew N. Lapid o mas kilala bilang Buknoy Glamurr matapos siyang arestuhin sa Quezon City dahil sa kanya umanong ginawang kalokohan sa simbahan.
Ayon sa mga nakakita nito, ang dahilan daw ng pag aresto kay Buknoy ay matapos tinimplahan niya ng “Tang orange” na juice ang holy water sa St. Paul the Apostle Church. Ngunit, ayon sa nasabing influencer, ginawa lang niya umano ito para sa susunod niyang prank video.
Maliban sa ginawa niyang paglagay ng “Tang orange” juice sa holy water ng St. Paul the Apostle Church, inaresto siya ng mga kapulisan dahil sa umano’y lumabag din siya sa pinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) guidelines.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na si Buknoy ng Quezon City Police District para harapin ang anumang parusa na pwedeng ihatol sa kanya.
Ang balitang ito ay kalat na kalat ngayon sa social media matapos ibinahagi ng isang itinuturing na “credible source” ngunit napag-alaman na hindi ito mismo galing sa official Facebook page ng nasabing credible source.
Sa ngayon, hindi pa matukoy kung fake news ba ang balitang ito lalong lalo na’t ang logo ng umanong Facebook page na nag share ng post ay hindi umano ang eksaktong logo ng tinutukoy na credible source.
Matatandaan din na ilang beses na nadawit ang pangalan na Buknoy sa mga nag trending na isyu. Kabilang na rito ang pinag-usapan noon na paninirang ginawa niya sa relasyon nila ng unkabogable star na si Vice Ganda at ang nobyo nito na si Ion Perez.
Maalalang kalat na kalat noon sa social media ang isyu tungkol sa TikTok live video ni Buknoy Glamurr na nagpanggap bilang Awra Briguela at ang umanong ‘alleged affair’ kay Ion Perez.
Si Andrew Luis Lapid or mas kilala bilang Buknoy Glamurr ay isang social media influencer at tumanggap ng kaliwa’t kanang pambabash dahil sa pagpapakalat ng mga false accusations laban kay Ion Perez na boyfriend ni Vice Ganda.
Ang video ni Gabo Adeva, isang online creator sa Star Image Artist Management ay nagviral sa Twitter.
Ang video na pinost sa TikTok account ng kanyang kaibigan ay agad nakakuha ng atensyon sa mga viewers at agad din inulan ng mga pambabash ng mga fans ni Ion at ni Vice
Makikita sa video na si Buknoy at ng kanyang kaibigan ay gumawa ng isang mock interview tungkol sa biglaang pagkawala ni Awra sa spotlight.
Ang naging highlight ng video ay nang nagbitiw ng statement si Buknoy:
“Nalaos ako kasi binitawan ako ni Meme, akala mo naman mamahalin siya ni Ion di niya alam pineperahan lang siya!”
Mas nagkagulo pa nang muling nagbitiw si Buknoy ng kanyang statement tungkol sa ‘alleged affair’ nila ni Ion.
“Mas gusto ako ni Ion eh, nagalaw na niya nga ako sa Showtime dressing room number 5 at hindi ako nakokonsensya,” sabi ni Buknoy.
Buknoy: “Diba nga binitiwan ako ni Meme Vice?
Gabo: A, kasi nag focus siya kina Carlo?
Buknoy: “Oo, akala mo naman mamahalin siya ni Ion.”
Maraming mga netizen lalong lalo na ang mga fans ng VICEION ang hindi napigilang mag-iwan ng komento ukol sa isyu.
Marami sa mga netizen ang nagsabi na kailangan mag-take ng legal actions laban sa sinasabing vlogger.
Kalaunan din ay nagbigay na ng statement ang Management ni Buknoy Glamurr at Gabo na Star Image Artist kaugnay sa viral na live video nitong pagpapanggap bilang si Awra para sirain si Ion Perez at Vice Ganda.
Ayon sa Star Image Artist, hindi nila palalampasin ang ginawa ng dalawa lalong lalo na hindi nila ito ito-tolerate.
Napagdesisyunan ng management na bibigyan umano ang dalawa ng disciplinary action.
Sa ngayon, ang panibagong isyu tungkol sa pagtimpla ng orange juice ni Buknoy sa holy water sa St. Paul The Apostle church, ay patuloy pang inaalam kung ito ba ay hindi fake news. Patuloy ding inaalam ang statement ng nasabing social media influencer.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment