Wednesday, August 25, 2021

Couple Vlogger na Nagdelete ng YouTube Channel, Wala Pa Rin Daw Lusot sa BIR


Pagbabayarin pa rin umano ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kilalang couple vlogger na ito na kamakailan lang ay nagbura ng kanilang YouTube Channel. Hindi pinangalanan ng ahensya kung sino ang naturang vloggers ngunit, maliwanag umano kung sino ang tinutukoy ng mga ito.

Ayon umano sa imbestigasyon ng BIR, kumita umano ang naturang mga vloggers ng nasa Php50 million hanggang Php100 million sa loob ng nakaraang dalawang taon. Dahil umano dito kaya nakabili ang dalawa ng mga mamahaling sasakyan at nakapagpatayo ng mansyon.

Taliwas sa isinaad ng mga ito na gusto nilang magkaroon na ng tahimik na buhay kaya binura nila ang kanilang YouTube channel, maaaring ang rason talaga umano sa likod nito ay natakot ang dalawa na silipin ng BIR ang kanilang kita at pagbayarin ng karampatang buwis.

Ngunit, kahit pa umano binura na ng mga ito ang kanilang YouTube channel, hindi umano ibig sabihin na matatakasan na nila ang pagbabayad ng buwis. Wala pa rin daw lusot ang mga ito sa BIR. 

Pahayag pa nga tungkol dito ni BIR Deputy Commissioner Atty. Marissa Cabreros,

“Closed or open, there is always a way for us to determine how much you have earned even though you are already off the air… Yung pumapasok sa bank account mo na mga payment. There is a way of tracing that one. There is a payor. There is YouTube, there is data, there is a paper trail.”

Nangyari kasi ang pagbubura ng naturang couple vlogger ng kanilang YouTube channel ilang araw matapos ianunsyo ng BIR na kailangang magbayad ng buwis ng mga YouTubers at iba pang mga social media influencers.

Ayon sa ahensya, wala naman umanong dapat na ikatakot o ikabahala ang mga ito dahil unang-una, obligasyon naman nila na magbayad ng tamang buwis. Dagdag ani pa nga dito ni Atty. Cabreros,


“Wala ho silang dapat ikatakot. 'Yung obligasyon po ng pagrerehistro ay magkaiba po 'yan sa pagbabayad ng buwis. Kailangang magparehistro sila dahil they are considered engaged in business,

“Pangalawa, when you are registered on BIR, they are required to pay taxes. Kung ang annual net income niyo po ay hindi naman lalagpas sa P250,000, wala pong babayarang income tax po 'yan. Kaya 'yung mga nagsasabi ng 'maliit lang kami,' wala po silang dapat ikatakot.”

Wala pa namang inilalabas na direktang mga pangalan o listahan ang BIR ng mga vloggers o influencers na pagbabayarin nila ng buwis ngunit, ilan umano sa mga ito ay mayroong mga paglabag.

Samantala, kamakailan lang ay namaalam na sa kanilang mahigit 12 million na mga subscribers ang YouTuber couple na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad, o mas kilala sa tawag na JaMill. Ikinagulat naman ito ng marami ngunit, kinumpirma mismo ni Camille na deleted na nga ang kanilang YouTube channel.


“Yes deleted na po ang channel. Di naman natin ma-pplease lahat ng tao na sabihing pa issue lang ito or what. Its about our relationship, mas pinili namin mas maging okay ang relationship namin. I hope na irespeto nalang Thankyou,” paliwanag pa ni Camille tungkol dito.

Source: hottesttrendzonline


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment