Monday, August 30, 2021

Gwapong Pari na Fitness Instructor Din, Pinusoan ng mga Netizen


Trending at pinupusuan ngayon ng mga netizen ang pari na si Fr. Ferdinand ‘Ferdi’ Santos dahil sa hindi umano nito maitatangging kagwapuhan. Maraming mga netizen ang namangha sa “gwapong” pari na isa ring lisensyadong fitness instructor.

Si Fr. Ferdi ay isang Pilipinong pari, Philosophy & Theology seminary professor, at licensed fitness instructor. Maraming mga netizen ang namangha sa hindi rin matatawaran na mga naging sakripisyo ni Fr. Ferdi bilang isang pari. Umuwi ito kamakailan lang sa Pilipinas dahil mas pinili nito na tulungan ang mga simbahan o parokyanong nangangailangan.

Unang napansin ng mga netizen si Fr. Ferdi dahil sa Facebook post ng dean ng San Beda University Graduate School of Law na si Fr. Ranhilio Aquino. Dito, naibahagi niya kung paano sila nagkakilala ng pari sa Catholic University of Louvain.

Inihayag niya rin ang pagkamangha niya kay Fr. Ferdi na mayroong PhD sa Philosophy at licensed fitness instructor pa. Ngunit, ang mas nagpamangha umano rito ay nang iwan ni Fr. Ferdi ang isang prestihiyosong posisyon na kanyang hinahawakan sa Florida para bumalik sa Pilipinas at dito ipagpatuloy ang kanyang pagsisilbi sa Panginoon.

“This is Fr-Ferdinand Santos. I am posting this because I am in awe of him. We met while he was a student at the Catholic University of Louvain and I was a post-doctoral research fellow there.  He and I were in the classes of Prof. Jan van der Veken on Process Metaphysics. 


“Aside from holding a PhD in philosophy,  he is a licensed fitness instructor! Amazing.  But even more amazing is that he gave up the prestigious position of Rector of St.  John Vianney Seminary in Florida that has both philosophy and faculty theologies to return to the Phiippines to work in depressed parishes. Laus Deo!” ang ani pa nga ni Fr. Ranhilio.

Samantala, dahil naman sa angking kagwapuhan ng pari ay hindi maiwasan ng iba na manghinayang umanao para rito. Bagay na bagay umano kasi rito ang maging artista kapag nagkataon.

Marami din ang hindi napigilang magbiro tungkol sa pari at sabihing mukhang mas mapapadalas na raw ang kanilang pagsisimba at pangungumpisal kung si Fr. Ferdi naman umano ang pari.

Mayroon ding ilan na nagbirong baka pwede rin ba umanong ipamahagi ni Fr. Ferdi ang kanyang kagwapuhan sa iba. Dahil sa mga ito kaya agad naging viral ang pari at trending topic ng maraming mga netizen.

Kaugnay nito, heto nga ang ilan lamang sa mga positibo at nakakatuwang reaksyon ng mga netizen tungkol sa viral na si Fr. Ferdi.

“Panigurado maraming magsisimba sa parish na pinagsisilbihan ni Father ‘pag wala nang lockdown. Marami din si Father mako-convert for sure.”

“I pray to the Lord Fr. FERDI that He will guide you and protect you from all the temptations. I know your heart is pure and continues to spread the words of GOD.”



“Hindi talaga lahat ng gwapo artista… ‘Yung iba pari!”

“Praying for your protection from all the temptations of this world and may you be faithful in your vocation and vow to serve the Lord with purity and holiness. Amen!”

“Pads pwede ba i-bluetooth kapogian mo?”

“It’s so inspiring to see one of his kind~ a very handsome & intelligent young man to humbly dedicate his life in the service of the Lord! May God bless you more, Fr. Ferdi!”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment