Tuesday, August 3, 2021

Isa pang Customer ni Marjorie Alison, May Ibinunyag Matapos Nag Order ng Food Package sa Kanya!


Kamakailan lang ay isang video ang nag viral sa Facebook matapos nag live video ang mismong seller ng food package na si Marjorie Alison matapos kinompronta niya ang customer nito na si Maria Hofs na tumangging magbayad ng buo sa presyo ng food package dahil hindi umano “worth it” ang mga pagkain na inorder nito.

Ngunit sa kabila ng mga kontrobersyal na isyu tungkol sa pangyayari, may isang customer ang nag order kay Marjorie sa kanyang kontrobersyal na chicken cordon bleu para personal na matikman ito.

Nag effort pa umano ang mismong customer ni Marjorie na gumawa ng isang video para ipaalam sa lahat ang kanyang reaksyon at komento tungkol sa naturang kontrobersyal na chicken cordon bleu. 

Kitang kita sa video ang pagpapakita ng customer ni Marjorie ng mga inorder nitong mga pagkain at ang kontrobersyal na chicken blue. Sa video, hindi ang whole set talaga ang inorder ng lalaking customer ni Marjorie, basta’t para sa kanya ang importante ay matikman niya ang chicken cordon bleu dahil hindi pa umano siya nakatikim nito. 

“Maliit lang ito na set up hindi yan yung whole set up no pero ang pinaka importante ay ang chicken cordon blue and actually gusto kong makatikim nito dahil hindi pa ako nakatikim,” sabi ng customer ni Marjorie.

Nang kumuha na siya ng isang piraso ng chicken cordon bleu at tinikman ito, laking gulat ng kanyang customer dahil sa sobrang sarap ng chicken cordon bleu na inorder niya kay Marjorie Alison.


"Parang nasa restaurant , so ito yung mga pagkain namin ngayon sarap nito at ang pinakamaganda kasi, may lechon. At tikman natin ang lechon naman...."sinabi ng kanyang customer. 

Sinabi rin ng customer ni Marjorie nang tinikman niya ito, “crispy kaayo” (too crispy), “lamia” (sarap).

Matatandaan kamakailan lang sa video, kitang kita na pilit hinahabaan ni Marjorie A. Alison ang kanyang pasensya habang hinihintay niya ang kanyang customer na si Maria Hofs sa mismong bahay nito. Dahil dito, galit na galit ang may-ari ng bahay nang sinugod siya mismo ng seller ng food package na kanyang inorder.

Ayon kay Marjorie, binayaran lamang umano siya ni Maria Hofs ng Php 9,000 kahit na ang kabuuang presyo ng kanyang inorder na food package ay nagkakahalaga ng  Php 18,000. Dito na nagsimula ang alitan ng dalawa nang iginiit ni Maria na masyado raw malaki ang presyo para sa naturang lechon package at reklamo pa niya na walang refill ang mga inorder na pagkain.

Agad naman nilinaw ni Marjorie na talagang walang refill ang mga pagkain dahil hindi naman umano catering service ang kanilang negosyo kundi food package. Sinabi pa niya na una pa lang, alam na ng kanyang customer ang patakaran nito. Kaya hindi lubos maintindihan ni Marjorie kung bakit Php 9,000 lang ang ibinayad sa lechon at sa iba pang putahe na kasali sa food package.

Ibinahagi rin ni Marjorie na maliban sa malaking lechon ay mayroon pa itong kasama na walong putahe at dalawang klase ng prutas. Kung tutuusin, ipina customize pa nga ng kanyang customer ang inorder nitong mga ulam.

Nitong araw lang ay nakapanayam ng GMA Balitang Bisdak ang nasabing customer umano ni Marjorie Alison na si Maria Hofs. Dito, sinabi ni Maria na naumay na daw siya sa mga pambabatikos ng mga tao sa kanya ni hindi man lang alam ang katotohanan at buong kwento ng naturang isyu. 

Ang nangyaring pagsugod umano ng food seller na si Marjorie ay hindi inexpect ni Maria na mangyari. Ang lungkot lang daw isipin na sa kalagitnaan ng kanilang selebrasyon ay may pangyayari na makakasira sa kanilang happy moments. 


Binigyang linaw ni Maria kung bakit Php 9,000 lang ang kanyang binayad, Sabi niya, 50-60 persons ang pakakainin niya sa food package na iyon at noong nakita niya ang food package, hindi siya naniniwala na sa kanya ang order na iyon.

Ayon sa kanya, hindi raw magkakasya ang food package na bitbit ng nag deliver nito kaya naisipan na lamang niyang sabihan ang driver na gusto niyang kausapin ang may-ari o seller ng food package na kanyang inorder. 

Inamin ni Maria na hindi siya satisfied sa pagkain mula sa food package na kanyang inorder.

Sinabi naman ni Maria na handa siyang bayaran ang nasabing remaining balance kapag maayos na umano ang lahat dahil naniniwala siya sa kanyang “customer’s right.”

Handa raw si Maria na harapin ang isyu kahit umabot pa sa korte para lang maayos na ang nag trending na isyu. 

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment