Sunday, August 29, 2021

Isang 19-Year Old Dalagita na Working Student, Nakabili na ng Kanyang Sariling Bahay at Lupa

Lahat ng tao sa mundo ay nagsusumikap sa buhay para makamit ang ngiti ng tagumpay. Tunay nga na likas na practical ang mga Pinoy lalong lalo na sa panahon na halos lahat ng aspeto ay sinusubok tayo. Kahit sa panahon ng krisis, nakuha pa rin ng mga tao na magtagumpay sa kanilang buhay.

Sa taong masipag, wala siyang itinuturing na hadlang para sa pagkamit ng kanyang mga pangarap sa buhay na kahit pa man dumaan ang isang krisis at ang tinatawag nating dagok sa buhay, patuloy pa rin ang pagiging mapamagmatiis at tiyaga alang alang sa pangarap.

Kagaya na lamang ng isang dalagita na kinilalang Patricia Mae Tandas, 19-taong gulang, na sa kanyang murang edad ay nakamit na niya ang kanyang tagumpay. Sa kabata bata palang na edad, proud na proud siyang ibinahagi sa publiko na siya ay isang homeowner na.

Tunay na nakakamangha ang dalaga dahil sa angking sipag nito at pagpupursige. Alam ng lahat kung gaano kahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho, ngunit lahat ng ito ay kinaya umano ni Patricia.

Si Patricia ay isang estudyante sa umaga at call center agent sa gabi at minsan din ay isa siyang tindera. Ayon kay Patricia, gusto lang sana niya na makatulong sa kanyang pamilya at mabili ang kahit anong luho na gusto niya. 

Pero habang tumatagal, napag-isipan ni Patricia na sayang na sayang ang pera na ginastos lang niya para sa kanyang luho. Kaya naman, naisipan ng dalagita na ang kanyang pera na naipon ay naisipan niyang ilaan sa mga bagay na pangmatagalan. 

Ngunit, hindi lubos inakala ng mga magulang ni Patricia na bahay pala ang tinutukoy ni Patricia na "magagamit nila in the long run." Sabi ni Patricia, mainam na sinimulan niya agad na paggastusan ang pagkakaroon nila ng sariling bahay habang mura pa ito. Alam din ni Patricia na tumataas ang value nito bawat taon.

Sa kasalukuyan, si Patricia ay isang Psychology student. Patuloy pa rin siyang nagsusumikap para sa kanyang pag-aaral upang siya ay makapagtapos. Patuloy pa rin ang kanyang pagiging working student dahil gusto pa rin niyang matulungan ang kanyang pamilya kahit meron na siyang na-invest na sariling bahay.


Ang nakamit na tagumpay ni Patricia ay ibinahagi niya sa social media upang maging inspirasyon ito sa lahat ng maraming kabataan na lalo pang magsusumikap na maabot ang kanilang mga pangarap.

At sinabi rin niya sa mga kabataan na habang bata pa ay huwag pagtuunan ng pansin ang mga bagay na maaari lang gamitin sa hindi pangmatagalan. Bagkus, mas pagtuunang pansin ang mga bagay sa hinaharap.

Sa post na ibinahagi ni Patricia, marami sa mga netizen ang labis na namangha at nagbigay ng kani-kanilang mga komento sa naabot na tagumpay ng dalagita.

Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen:

"Being able to plan ahead, is a previlege not everyone could afford. I've seen so many working teenagers but they're already too busy thinking how to live their everyday by helping their parents financially. 

Still, salute to her and this is by no means or intention to discredit her of what she had achieved.

This is for those people who also have worked hard for years but still could not afford to gift or  make investment for themselves.

You're doing great!"

"Same here working student! 18 yrs old nag aral at napagawa ko yung bahay namin 😇 sobrang hirap lalo 170 lang ang sweldo ko dati.. yung madalas ako natanggi sa yayaan ng mga kaklase kasi hirap budgetin ng 170 baon pamasahe padala sa magulang. Pero nag worth lahat ng pagod at hirap nakatapos ako ng pag-aaral at napaayos ko ang bahay! Thank you Lord talaga 😇"

"Stop saying "swerte nung magulang". Kasi alam nyo hindi niya magagawa yan kung hindi supportive mga magulang niya sa kanya. Kung walang tiwala. Letting her do what she thinks is good for her and her family. Dun palang panalo na sila. Kudos to the parents and to Patricia. Next time kami naman🥳❣️

At para Naman sa mga magulang, wag nyong ikukumpara yung mga anak nyo sa kanya kung di kayo naging magulang na kagaya ng magulang nya😁😁"

"Nakakabilib naman! Pero sa mga working-student diyan na kagaya ni ate, pahalagahan din ang katawan ha. Huwag abusuhin masyado dahil importante ang kalusugang pisikal maging mental. 😊💛"

Source: readerchannel

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment