Mainit init pa ang isyu ngayon sa madla ang tungkol sa isang pasabog na social media post ng isang Filipino rock icon, Mike Hanopol, laban kay Sen. Manny Pacquiao.
Ito ay matapos umano inilantad ng isang original member ng Juan dela Cruz band sa maraming mga tao ang kinikimkim niyang masamang loob laban sa People's Champ o ang tinaguriang Pambansang Kamao.
Ayon sa post ng veteran singer-songwriter na si Mike Hanopol, sinabi niya na hindi raw umano siya binabayaran ni Pacquiao sa mga kantang ginawa niya para kay Pacman.
“Sabi Pacman gusto nya makatulong di importante ang pera sa kanya,” simulang pahayag ni Mike Hanopol.
Pahayag ng singer, gumastos pa siya ng pera para pambayad sa studio at sa musician para lang matapos ang kantang pinagawa sa kanya ng Pambansang Kamao.
“E bakit ayaw mo ako bayaran nagpagawa ka ng hebrew songs sa akin i spend money on studio and musician di mo naman ako binayaran san ang tulong na sinasabi mo di ka na naawa matanda na ako niloko mo pa ako,” aniya pa.
Nang pumutok at kumalat ang naturang isyu, maraming mga netizen ang nagbigay ng kanilang mga komento at hinaing ukol sa hindi pagbayad ni Manny Pacquiao ng talent fee kay Mike Hanopol.
Marami ang hindi makapaniwala sa nasabing isyu na pinost umano ng singer. Ilan sa mga netizen, lalong lalo na ang mga fans ni Pacquiao, hindi inakala na magagawa iyon ng kanilang idolo.
Sabi ng ibang mga netizen na nagbigay ng kanilang mga komento, baka raw hindi lang nagkakaintindihan ang dalawa. Ngunit gayunpaman, dapat pa rin na bayaran ni Pacman ang talent fee ni Mike Hanopol dahil pinaghirapan din naman ito ng nasabing singer.
Ayon sa isang ulat, noong 2019, personal umano na nagkita sina Mike at Pacman at ito pa ay nai-feature sa vlog ng isang Jew vlogger na si Drew Brinsky.
Dito ay nabanggit ni Pacman na marunong pala siya magsalita ng Hebrew at kinumpirma rin noon sa nasabing vlog na nagpagawa si Pacman ng Hebrew song kay Mike Hanopol.
Sa ngayon, wala pang official statement ang TEAM PACQUIAO hinggil sa isyung kinasasangkutan. Patuloy pa inaalam ang katotohanan sa likod ng post ng isang kilalang singer na si Mike Hanopol.
Nasa proseso na ang site na ito para kunin ang panig ng TEAM PACQUIAO para bigyang linaw naturang isyu at matigil na rin ang mga espekulasyon ng bawat netizen na nakasubaybay ng nasabing hindi pagkakaintindihan ng dalawa.
Bukod sa pagiging bass guitarist noon ng Juan dela Cruz Band, isa rin siyang singer, recording artist at itinuturing ngang isa sa mga pioneers ng rock music sa Pilipinas.
Ilan sa mga pinasikat niyang kanta ay ang OPM songs niya ay ang “Katawan,” “No Touch,” “Laki sa Layaw Jeproks,” at “Titsers Enemi No. 1.”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment