Matapos kumalat at pag-usapan ng marami ang tungkol umano sa scam na online course ng kilalang vlogger na si Nas Daily sa Nas Academy tungkol sa huling mambabatok ng Kalinga na si Apo Whang-od, nagsilabasan rin ang iba pang mga pahayag tungkol naman umano sa tunay na pag-uugali ni Nas Daily o Nuseir Yassin sa totoong pangalan
Taliwas sa paniniwala ng marami, mayroon umanong hindi kaaya-ayang pag-uugali ang vlogger. Ayon nga sa ibinaging twitter post ng isa umanong mamamahayag tungkol sa isang karansanan nito nang makasalamuha niya minsan si Nuseir, ikinagulat niya umano na ibang-iba ito mula sa ipinapakita niyang imahe sa publiko.
Ibinunyag nito ang ginawa umanong pangmamaliit noon ni Nuseir sa mga Pilipino nang minsan itong magpunta sa isang lugar sa Pilipinas. Tinawag umano nitong mahihirap lamang ang mga Pilipino at wala umano itong pakialam sa mga magsasaka.
Heto nga ang buong tweet na ibinahagi ng naturang journalist:
“My friend's family hosted him in their hometown bec he was looking to do more PH content. But the script he had imagined didn't match what he saw there. So even if there was a good story to tell, he ended up throwing a tantrum and packing up.
“"No one cares about these farmers! This won't get views. This isn't what I wanted to shoot!" "Why are Filipinos so poor anyway? You're so poor!"
“He also imitated/mocked the locals' accents. The creator he came with, called him out and apologized on his behalf. My friend was a huge fan and was so disappointed. Their parents were shocked. But they decided not to do anything about it.
“We just thought, maybe someday his actions will catch up to him and people would see through all of it.”
Matapos nito ay nagsilabasan din ang ilan pang mga testimonya ng mga netizen tungkol din sa tunay na ugali nga ng vlogger. Ani pa nga ng isa sa mga ito,
“I unfollowed nas daily even before this pandemic started kasi may nabasa ako na tweets dati kay ac ata yon galing na pangit daw talaga ugali niya and good thing na nalabas na lahat ng baho niya ngayon.”
Labis itong ikinadismaya ng marami at sinabing “front act” o pakitang tao lang pala umano lahat ng ginagawa ni Nas para humakot ng views sa kanyang mga ginagawang content.
Samantala, ayon naman sa iba ay hindi na raw nila masyadong ikinagulat ang paglabas ng isyung ito tungkol kay Nuseir dahil noon pa man umano ay pinagkakakitaan na ng vlogger ang kultura ng Pilipinas. “Pinoy baiting” umano ang tawag sa ginagawang ito ng vlogger na nagtatampok ng mga kwento tungkol sa Pilipinas para panoorin ng mga Pilipino.
Tungkol naman sa umano’y paggamit ni Nuseir sa pangalan ni Apo Whang-od para sa isang online course sa Nas Academy na hindi naman umano sinang-ayunan ng huli, isa umano itong malinaw na pananamantala sa mga Pilipino.
Ang naturang online course na iniaalok sa halagang Php750 lamang sa publiko ay isa na umanong malaking kawalang galang sa kultura ng mga Pinoy at kay Apo Whang-od.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment