Thursday, September 2, 2021

Wedding ng OFWs, Naging Malungkot ang Ending; From 'BEST WISHES' TO 'CONDOLENCES'


Nawindang ang buong online community nang kumalat ang isang nakakalungkot na balita tungkol sa dalawang OFW matapos ang kanilang hinihintay na 'best wishes' ay nauwi sa condolences.

Si Ralph Waldo G. Landicho at Raquel F. Panganiban ay nakatakda na sanang ikasal noong July 31, 2021.

Noong June 4, 2021, si Ralph, seaman, 32 taong gulang ay umuwi sa Pilipinas. Si Raquel naman, 26 taong gulang, isang Overseas Filipino Worker sa Jeddah, Saudi Arabia ay umuwi sa Pilipinas noong June 12, 2021.

Sina Ralph at Raquel ay apat na taon ng magkarelasyon at pareho silang galing sa Tiaong, Quezon province.

Kahit pa man sa kalagitnaan ng pandemya, ang kanilang wedding ay madaling napagplanohan at na-organisa. Ngunit, may isang hakbang sila na nakalimutan, ito ay ang pagpapa bakuna laban sa COVID-19.

“Kung saan-saan na po kami nagpunta.

“Bumaba siya ng barko at hindi agad kami nakapagpa-vaccine kasi super excited siya sa pag-aayos ng kasal namin," paglalahad ni Raquel.

Nitong June 24, kasabay ng selebrasyon ng kaarawan ng uncle ni Raquel, sinamantala ni Ralph ang opportunity na iyon para mag propose sa kanyang pinakamamahal. 

Lumuhod si Ralph sa harap ni Raquel at nag propose. Matapos ang dalawang araw, June 26, si Ralph ay matapang na hinarap ang pamilya ni Raquel.

Buwan na ang lumipas, July 19, 2021, nakaramdam si Ralph ng pananakit ng katawan ayon kay Raquel.

Sinabi pa nga raw ng fiancé ni Raquel na gusto niyang magpamasahe para mawala ang naramdaman niyang sakit sa katawan.

Lumipas ang limang araw, nakaramdam na si Ralph ng chills at fever. Sa pagkakataong ito, pumunta na sila sa ospital para magpa check-up at lumabas din ang resulta.


Sa resulta ng kanyang swab testing, nag positibo umano si Ralph sa COVID-19.

Na-admit si Ralph sa ospital noong July 30, 2021, araw bago ang schedule ng kanilang kasal. Ngunit, ayun nga,  hindi nila natupad ang kanilang pangako sa araw ng kanilang kasal.

“We encouraged one another. Ayaw pa mamatay ni hubby kasi dami pa niyang gustong mangyari sa buhay namin bilang mag-asawa, ganun din sa pamilya niya.


“Sinasabi nya palagi na, ‘Bebe, hinde pa ako mamamatay. Magiging official pa ako.’ Dream niya maging official sa barko.”

At nitong Agosto 3 lang ng taon, ito ang araw na masyado ng nahihirapan si Ralph. Dito, hirap na siyang huminga at mas lumala pa ang kanyang ubo. Ang kanyang oxygen level ay bumaba. 

“He really wanted to get intubated so he could live, but he didn’t survive. Hindi nya nakayanan ang hirap. Kinuha na siya ni Lord,”


Alam ko na mahal na mahal mo ako,at alam mo din na mahal na mahal kita. 😭😭😭

"Di ko alam papaano ako. Hanggang dulo ng hininga ko mamahalin pa din kita. Walang papantay sayo! ❤️

Samahan mo pa din ako sa lahat ng Pangarap natin. ❤️😭

Nagpapakatatag ako para sa pamilya natin both sides.  Isa kang mabuting Anak,Manugang,kuya,Pamangkin,Pinsan,Kaibigan, Katrabaho.Alam ko na mahal na mahal mo sila," post ni Raquel sa kanyang Facebook.

Nitong Agosto 3, 2021 din pina-cremate ang labi ni Ralph at ang  abo ay inuwi na nila sa bahay.


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment