Matapos ang patuloy na pagtaas ng porsyento sa kaso ng COVID-19, mas pinaghihigpitan pa ng mga awtoridad ang mga tao at patuloy na pinapayuhan na dapat sumunod sa mga basic health protocols.
Ito ay ginagawa lamang ng mga awtoridad upang mas maging mapadali ang pakikipaglaban natin sa nakakamatay na sakit at upang masiguradong ligtas ang bawat mamamayan.
Kamakailan lang, kumalat ang post ito ng isang lalaki na sakay ng kanyang motor at naka full helmet. Laking gulat na lang niya dahil may nag-issue sa kanya ng ticket dahil hindi raw siya nakasuot ng face mask.
Sa panayam ng Brigada News FM kay Joe Jay Distor, nagmamaneho ito ng kanyang motor kahapon (October 26, 2021) ng umaga nang madaanan nito ang checkpoint ng PNP sa bahagi ng Adventist Hospital.
Dagdag pa nito, itinaas lamang niya ang lens ng kanyang helmet at walang violation nang i-check ng PNP personnel ang kanyang lisensya at OR/CR, subalit nagtaka na lamang ito nang bigyan ng ticket dahil sa violation na hindi pagsuot ng facemask.
Paliwanag ni Distor, sakto lamang sa kanyang ulo ang full face helmet at masisira ang face mask kapag isusuot.
Samantala, ipinakita naman nito ang dalang face mask at ginagamit niya lamang kapag huhubarin na ang helmet, ngunit iginit ng pulis na may ipinatutupad na ordinansa na bawal ang hindi naka-face mask.
Marami naman ang nagalit sa inasta ng PNP personnel dahil sobra na umano ang kanyang pakikitungo sa nasabing motorista.
Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen sa nasabing post:
“Hirap jan wala kang karapatan mag rason..Nagpapaliwanag ka pa lang na ticketan ka na...Consideration nman mamang sir...naku po!!”
“Walang puso ang nag issue ng violation ticket, pwede naman pagsabihan at wala nmang naapektuhan dahil nag dadrive nga. D makatao, only here in puerto princesa city palawan, calling all government agency, tama na po ang pagpapahirap sa mga tao mabuti kayong nka pwesto busog, kami nganga + may violation pa, hay naku napaka OA na dna tama ito. Pasko na ano ba.”
Kaugnay ng balitang ito, matatandaan na nag viral din noon ang dalawang magkasintahan na pinagbawalan ang lalaki na pumunta sa lugar kung saan nandoon ang babae na kanyang papakasalan.
Pinatunayan ito ng dalawang magkasintahan na sina Erwin Zabala at Ruby Papio ang kanilang wagas na pagmamahalan matapos magpakasal sa isang border checkpoint ng Pangasinan dulot ng striktong border control.
Nangyari ito, dahil hindi umano pinapayagan ang groom na makapasok sa probinsya, kung kaya't ang bride na mismo ang nagtungo sa checkpoint upang matuloy ang kanilang kasal.
Dahil rin umano sa pagnanais ni Erwin na maka-isang dibdib si Ruby, umuwi siya sa Pilipinas.
Sinunod naman raw umano ni Erwin ang mga quarantine protocols. Tinapos naman ni Erwin ang kanyang sampung araw na quarantine sa hotel.
Nang matapos na ang kanyang quarantine, agad siyang pumunta sa Pangasinan, sa mismong araw ng kanyang kasal, ngunit hinarang siya ng mga awtoridad.
Saksi ang mga awtoridad sa pagmamahalan at pag-iisang dibdib nila ni Erwin at Ruby sa isang checkpoint border.
Ilan sa mga nakasaksi sa naganap na kasal ay ang mga Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Personnel, Philippine Coast Guard at mga pulis sa naturang checkpoint.
Marami ang kinilig at napasabi ng "sana all" sa nakitang post sa Facebook at panay rin ang pagbibigay ng kani-kanilang mga komento sa social media.
Ilan sa mga naging komento ng mga netizen ay ang labis na paghihigpit ng border checkpoint sa Pangasinan.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment