Marami ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa dulot ng kagipitan sa buhay. Iyon nga lang, kanya-kanyang swerte ang baon ng bawat tao na handang tiisin ang pangungulila nila sa kanilang pamilya.
Hindi lahat ng ma nakipagsapalaran sa ibang bansa ay swerte sa kanilang mapapasukan na trabaho o mismo sa kanilang magiging amo.
Mayroong iba na hindi pinalad sa kanilang napuntahang amo. Naging masahol ang trato ng kanilang amo sa kanila.
Katulad na lamang ng kasambahay na ito na isang Domestic Helper sa ibang bansa, nakita ito ng isang kapwa Pinay na nakaupo lamang ang kasambahay habang kumakain ang kanyang mga amo.
Napansin ito ng Pinay na si Regine Cañete Allones ang kapwa Pinay na hindi man lamang naabutan nito na makakain habang ang kanyang amo ay kumakain ng mga masasarap na pagkain sa mall.
Saad ng netizen sa kanyang post, “kanina kumakain aq, tas ung matanda naghanap ng maupuan sa kopityam sa Clementi, tinawag ang maid nila, then c maid wiped the kids chair and table, hinanda niya ang pagkain ng bata tas ang amo nag order ng foods.
Katulong nila sobrang payat saka mukhang unhappy, tuloy ang kain q naobserbahan ko talaga kung may pagkain yung maid, (walang binigay na foods) she eats sa table pinapanuod ang mga amo na kumakain, it breaks my heart gusto ko sana bigyan pagkain kasi baka ako pa maging masama. Bakit may mga taong ganyan kung magtrato ng kapwa daig pa ng isang aso parang antay lang ng tira tirang pagkain.”
Sa kabilang banda, may iba naman na naging swerte sa kanilang mga amo sa ibang bansa. Maraming mga netizen ang naantig ang kanilang mga puso matapos ibinahagi ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang kanyang kwento tungkol sa experience niya sa kanyang amo.
Ayon sa OFW na si Cristy Gaudiano, labis na nakakamangha ang kabaitan ng kanyang amo sa kanya. Itinuturing na umano siyang parte ng pamilya ng kanyang amo.
Kwento ni Cristy, pagdating pa lang niya sa Taiwan ay de aircon umano ang kanyang kwarto at bukod pa dito, may sarili pa siyang kusina.
Dagdag pa ni Cristy, mula nang dumating siya sa Taiwan para magtrabaho, labis na kabaitan na daw ang ipinakita sa kanya ng kanyang amo.
Kasabay din siya ng amo na kumain sa hapag at hindi na talaga iba ang turing sa kanya. Ipinamimili siya nito ng mga gamit, damit at maging 24K na alahas.
Sa tuwing mag go-grocery daw sila ng kanyang amo, minsan nga raw ay mas marami pa ang binibili para kay Cristy.
Madalas, kapag sila ay lumalabas, si Cristy pa umano ang namimili kung saan sila kakain, at kahit pa "eat-all-you-can ang mapili ni Cristy, wala raw umanong problema ang kanyang amo.
Nang nagkasakit ang kanyang amo, mas iniisip pa rin ang kalagayan ni Cristy, kung nakakain ba ito ng sakto kaysa sa kanyang sariling kalagayan.
Kaya naman masasabi ni Cristy na napakaswerte niya sa kanyang naging amo na 'grandma' na ang turing din niya.
"Thank you for all the memories that we have together. I love you and You always stay in my heart. Thank you of Being such a 100% VERY GOOD LADY BOSS and a grandmother to me. For me you are the best boss I know," mensahe ni Cristy para sa kanyang amo.
Marami sa ating mga kababayan ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa para maitaguyod ang pamilya at ang pangarap na maiahon ang pamilya sa kahirapan.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment