Wednesday, December 29, 2021

Babae, Arestado ng mga Awtoridad Matapos Nahuling Nagbebenta ng mga Sobre na Mukhang Php 1000 Bills!


Arestado ng mga awtoridad ang babaeng nagbebenta ng sobre na mukhang Php 1000 bills sa Cavite. 

Sa ulat ni John Consulta sa GMA News "24 Oras," nitong Miyerkules, sinabing isinagawa umano ng operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI)  at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang operasyon sa General Mariano Alvarez, Cavite.

Nakuha sa suspek ang binili ng undercover agent na 150 piraso ng sobre, na mapagkakamalang nakatuping P1,000 na papel.

''Di po ako gumagawa nu'n. Nag-re-resell lang po," paliwanag ng suspek.

Ayon kay Armida Artango, bank officer II ng BSP, ipinagbabawal sa ilalim ng BSP circular ang paggaya sa mga Philippine currency notes, maliban kung may paalam sa BSP. 

Ang mga nasabing lumalabag sa naturang batas ay haharap sa pagkakulong ng lima hanggang 10 taon. 

Kaugnay ng kwentong ito, kumalat din ang balita noon matapos labis na nanlumo ang tindero ng prutas mula sa San Jose, Batangas matapos malamang pekeng P1,000 ang ibinayad ng bumili sa kanya ng saging na nagkakahalaga lamang ng Php 80.

Ito ay pinost ng pamangkin mismo ng nasabing PWD sa kanyang Facebook account sa pagbabakasakaling maibalik ang pera umano ng kanyang tiyuhin. 

Sa Facebook post ni Kristien Javina, bandang 11 ng umaga noong Febrero 7 nangyari ang ginawang panloloko sa kanyang tiyo.

Labis na nanlumo ang PWD sa nangyari dahil sa kabila ng kanyang sitwasyon ay ginagawa niya pa rin ang paglalako dahil may mga anak siyang binubuhay.

Ayon pa sa kanyang pamangkin, bukod umano sa PWD ang kanyang tiyuhin, isa na rin itong senior citizen. Kaya nga naman, labis ang kanilang pag-aalala dahil delikado na ang pagtitinda para sa kanyang edad.




Samantala, sa dami ng nakakita sa post ni Kristien, marami rin ang nagpaabot ng tulong sa kanyang tiyo.

Ani Kristien, “Naiiyak po ako sa tuwa.. Di ko po inaasahan na may tutulong sa aking tiyo. Ipaabot ko po ang cash na pinadala nyo sa kanya pag uwi ko ng bayan. Maraming salamat po sa mabuting puso nyo, Ibabalik po sa inyo yan ng Lord ng rumaragasang pagpapala.!”

Sa isa pang post, ibinahagi ni Kristien ang post kung saan pinuntahan niya ang kanyang tiyuhin para iabot ang tulong na nalikom mula sa mga netizen. 

Ipinakita rin ni Kristien ang kalagayan ng kanyang tiyo pati na rin ang pamilya nito para malaman ng netizens ang hirap ng sitwasyon ng pamilya nila.

Ito ay ilan lamang sa mga narinig nating mga kwento na tiyak na magpapalungkot sa ating mga puso. Hindi natin lubis inakala na may mga taong sinasamantala pa ang kahinaan ng ibang tao at ang masaklap, mas pinairal pa nila ang kanilang pagiging gahaman.


Sa panahon ng pandemya, mas dumarami ang mga napabalitang mga scam at mga panloloko ng tao sa kanyang kapwa. Marahil, ito ay dahil sa hinaharap natin na krisis. Ngunit, base sa kwentong ito, mas mainam pa rin na piliin ang pagiging mabuti sa iyong kapwa tao. 

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment