Isang foodpanda cyclist ang nag viral matapos makunan ng video na humahagulhol sa iyak dahil sa ninakaw nito ang gamit niyang bisikleta.
Sa ibinahaging video ni Raymond Bartolome, ikinuwento ng delivery boy na kumukuha siya ng order mula sa loob ng isang kainan sa Central Mall Olivarez sa Biñan City, Laguna.
Habang abalang abala siya sa kanyang order, bigla na lang umanong tinangay ang kaniyang bisikleta ng isang lalaki.
Hinabol pa umano ito ng cyclist, ngunit hindi na niya naabutan dahil mabilis din umanong nagpapatakbo ang nasabing kawatan.
"Bakit ako pa lumalaban naman ako ng patas, hindi naman ako nang aagrabyado ng tao bakit ako pa," pahiwatig ng food delivery cyclist.
Ang mga food riders ay isa na rin sa mga maituturing nating mga frontliners. Dahil sa kanila, mas naging madali ang pag o-order ng pagkain sa online.
Marami rin sa mga tao ang ginawa na itong hanapbuhay simula nung nagkaroon ng pandemya. Ilan sa ating mga kababayan ay umaasa na sa ganitong trabaho.
Kahit sa hirap ng buhay, patuloy pa rin ang buhay para lamang masustentuhan lamang ang kani-kanilang mga pamilya sa araw-araw.
Matatandaan, isang food panda rider din noon ang nahuli-cam ng mga netizen matapos dala dala niya ang kanyang sanggol na anak habang nagtatrabaho.
Sa photos na ibinahagi ng isang netizen na si Jeremiel, kitang kita ang larawan ng isang food panda rider habang karga niya ang kanyang anak na sanggol sa basket ng kanyang motor.
Ang pangalan ng food panda rider ay kinilalang si Hersey Manuel na umano'y nagpaantig sa puso ng mga netizen.
Ayon sa uploader na si Jeremiel, tinanong niya ang rider kung wala ba siyang pwedeng mapag-iwanan sa baby niya.
Sabi naman umano ng food rider, wala raw kasi nag wo-work din ang kanyang asawa at nakikitira lang din sila sa tito niya.
Ngunit, sa kabila ng mga papuri at mga paghanga sa rider, marami din sa mga netizen ang hindi sang-ayon sa ginawa ng ama ng sanggol.
Ayon sa ilang mga netizen, delikado umano ito para sa kalagayan ng bata.
"Delikado sa bata yang gawa mo kapag nahulog yang bata sa bike at magkasakit. Sa hamong pwede naman kayo kumuha ng tiga pagalaga dalawa pa kayong nagwowork. Magasawa eh may pambayad na siguro kayo sa magaalaga. Negative sakin yang stay mo," komento ng isang netizen.
Nagbigay naman ng panayam ang dakilang ama na si Hersey sa mga netizen na nagbibigay ng mga masasakit na komento.
"Magandang umaga po! Lilinawin ko lang po na hindi ko po kasama yung anak ko sa pagdedeliver, kaya ko lang po siya sinama dahil marami pong ginagawa yung asawa ko.
Nagluluto ng paninda naming tokneneng at naghe-helper po dito sa tindahan ng tita ko, yung mga tita ko naman dito marami rin pong ginagawa nung mga oras na yan eh iyak na po ng iyak yung anak ko kaya isinama ko na po.
Alam ko pong nag aalala lang kayo sa anak io maraming maraming salamat po sa nag paabot ng tulong," saad ni Hersey.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment