Umani ng samu't saring reaksyon ang vlog ng isang pari matapos niyang ibinahagi ang kasal ng kanyang dating girlfriend.
Sa homily ni Fr. Roniel Sulit, dito niya ibinahagi sa mga dumalo ng misa ang tungkol sa kanilang naging relasyon ng kanyang ex-girlfriend noon na siya rin mismo ang nagkasal.
Gayunpaman, nilinaw niyang lahat iyon ay nakaraan na at hangad niyang maging masaya ang pagsasama ng mag-asawa.
Nagbiro pa ito na kaya na-late ang paring magkakasal sa kanila ay dahil classmate niya ito.
Ang vlog ni Fr. Sulit ay dinagsa ng samu't saring mga komento. Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen:
"Kasal dapat ang nangyari. Parang napahiya pa ang groom sa mga sinasabi ng pari. The priest should have presented himself appropriately and without revealing their past. Hindi katatawanan but the sanctity of the ceremony should have been observed."
"The wedding ceremony should not be about you and the Bride, Father. Its the Groom and the Brides special day. The attention should be focused to them at hindi po sa past relationship nyo ni Bride. What you did is quite insensitive and inappropriate, with all due respect."
"Opinyon kulang ha sobrang kabastusan to para sa ikakasal moment nang ikakasal yun tapos ang paguusap yung ex nya na magkakasal sobrang nakakabastos lang .. tapos makikita mo yung babae tawang tawa pa nakikita nung lalake na masyang masaya dun sa ex nya .. opinyon kulang ha kinasal nako at kung may ganyan sa kasal ko jusko mamumura ko talaga.."
Ngunit, ayon sa source, mismong bride umano ang nagsabi na i-content ng pari ang video ng kanilang kasal.
Isa sa mga pinakamagandang araw na mangyari sa buhay ng tao ay ang araw na kung saan ang tuluyang pag-iisang dibdib ng mga taong nagmamahalan na kung saan din ay dito sila mangangako sa isa’t isa na handa ang isa’t isa na harapin ang bawat pagsubok sa buhay.
Maraming mga tao ang naghahangad na kung darating man ang araw na ito ay nais ng lahat na ito ay magiging araw na pinaka “memorable” sa buong buhay nila.
Totoo talaga na kapag umibig ang isang tao, walang hadlang o walang kahit anong distansya at lugar ang makapagpigil sa pag-iibigan ng mga taong tunay na nagmamahalan.
Viral noon ang couple matapos pinatunayan ito ng dalawang magkasintahan na sina Erwin Zabala at Ruby Papio ang kanilang wagas na pagmamahalan matapos magpakasal sa isang border checkpoint ng Pangasinan.
Nangyari ito, dahil hindi umano pinapayagan ang groom na makapasok sa probinsya, kung kaya't ang bride na mismo ang nagtungo sa checkpoint upang matuloy ang kanilang kasal.
Dahil rin umano sa pagnanais ni Erwin na maka-isang dibdib si Ruby, umuwi siya sa Pilipinas.
Sinunod naman raw umano ni Erwin ang mga quarantine protocols. Tinapos naman ni Erwin ang kanyang sampung araw na quarantine sa hotel.
Nang matapos na ang kanyang quarantine, agad siyang pumunta sa Pangasinan, sa mismong araw ng kanyang kasal, ngunit hinarang siya ng mga awtoridad.
Saksi ang mga awtoridad sa pagmamahalan at pag-iisang dibdib nila ni Erwin at Ruby sa isang checkpoint border.
Ilan sa mga nakasaksi sa naganap na kasal ay ang mga Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Personnel, Philippine Coast Guard at mga pulis sa naturang checkpoint.
Marami ang kinilig at napasabi ng "sana all" sa nakitang post sa Facebook at panay rin ang pagbibigay ng kani-kanilang mga komento sa social media.
Ilan sa mga naging komento ng mga netizen ay ang labis na paghihigpit ng border checkpoint sa Pangasinan.
Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen:
"Is this something that we should be proud of? I mean, wedding in the border checkpoint? Really? You didn't let the groom in but you let the wedding happen and you let the groom to kiss the bride? Sana pinatuloy niyo na lang si groom to enter since 10 days quarantine is completed. Mas nakapag celebrate pa sana sila ng maayos kung gumana sana ang pang-unawa natin."
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment