Malaking pinsala ang naidulot ng bagyong Odette sa bansang Pilipinas lalong lalo na sa mga lugar ng Visayas at Mindanao. Isa sa mga nagbigay ng update sa kanilang sitwasyon ay ang couple vloggers na sina Jodalyn Ahern at Brian Ahern.
Nitong December 21 lang, sa kanilang video sa kanilang Facebook page na “The Ahern Family,” ibinahagi nila sa social media ang matinding pinsala na dulot ng bagyong Odette sa lugar ng Bohol.
Nag post na rin sila sa social media para manghingi ng mga relief goods para sa kanilang kababayan sa Bohol na labis na naapektuhan sa bagyong Odette.
Maliban sa mga sirang bahay, wala ring kuryente sa lugar at ang mga daanan ay punong puno natumba at naputol na mga kahoy dulot ng matinding hangin na dala ng bagyo.
Makikita rin sa kanilang video ang bayanihan na ginawa ng mga Boholanos sa pagputol ng kahoy gamit ang kanilang mga machete para mas mabilis na maalis ang mga nakaharang sa daan at mas mapapadali pa ang mga relief operations.
“So, basically, guys, update is we cannot leave here basically in the car because there's nowhere to get down the road,” Brian said in the video.
“We have an uncle and kuya from Ubay who said that only motorcycles can get through right now, even on the main road…which is gonna leave shortage for anything you can imagine for all the businesses, all the food, and everything being transported on the road,” he adds. “So, this is gonna slow down absolutely everything here in Bohol.”
Sa mismong caption ng kanilang video nakiusap si Jodalyn ng mga in-kind donations para sa kanyang mga kababayan sa Bohol. Ngunit ang mahirap lang, gugustuhin man nilang tumulong pero medyo mahirap pa ito gawin ngayon sa kanilang lugar.
Ang hirap makakuha ng pera sa bangko or sa remittance (center). Limited lang ang makukuha and taas kaayo ang pila jud,” Jodalyn revealed.
(“It is hard to get money from the bank or remittance center. You can only get limited cash and the queue is very long,” Jodalyn revealed.)
Nakiusap muli si Jodalyn na kung sino man ang may access sa mga airports para mag donate at mag-ship ng mga pagkain at tubig para sa kanyang mga kababayan sa Bohol. Tubig at pagkain ang pinaka kinakailangan ng mga kapwa niya Boholanos ngayon.
“So, we are humbly asking help sa mga taga-Manila or places that have easy access sa airport…kahit ilang kilong bigas lang po…at mapadala dito sa Bohol po para ma distribute namin dito sa mga nangangailangan ng pagkain po,” saad niya sa kanyang caption.
(“So, we are humbly asking help from those living in Manila or places that have easy access to the airport…a few kilos of rice will do …and send it to Bohol so we could distribute it to those who need food,”aniya.)
Isinama rin niya sa kanyang post ang pagbahagi ng kanyang bank account para sa mga gustong magbigay ng cash at pati na rin ang kanyang contact number para sa mga gustong tumulong at magbigay ng mga in-kind donations para sa mga nasalanta ay makikipag-coordinate lang sa kanya.
“Every donation na ma-receive will go to everyone that needs help,” aniya.
Sa recent post din ng couple vloggers, gumawa na sila ng “gofundme” account in coordination sa Bisayang Hilaw, isa rin sa mga sikat na vloggers. Ang funds na ito para sa Bohol ay inorganisa ng vlogger na si Brian.
Basahin ang recent post ng couple vloggers sa kanilang Facebook page na “The Ahern Family” sa latest status ng kanilang donation drive.
Good morning everyone.. We made a gofundme account for everyone that would like to help through gofundme. We coordinated with Bisayang Hilaw so big thanks to Carson and check out his go fund me as well for other islands affected! Boholanos really needs help right now especially the northern part of Bohol.”
We can’t depend on our government here in Bohol since all Bohol is affected so it will take time to help everyone especially those who really needs it. Any amount will do or even just for sharing this post will help a lot reaching people who will be willing to help.
#BANGONBOHOL
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment