Friday, December 31, 2021

Willie Revillame, Pinagbawalan Umanong Mamigay ng Pera sa mga Matanda at Bata na Nasalanta ng Bagyong Odette; Ang Dahilan, Alamin Dito!

Isa sa mga naging topic nila ni Cristy Fermin at Rommel Chika sa online ay ang TV host na si Willie Revillame sa show na "Cristy Ferminute."

Naikwento ng beteranang kolumnista at host ang isa pa na bukas-palad din umanong tumulong si Willie sa mga nasalanta ng bagyong Odette. 

“Sabi nga po ng isang na-interview ni Willie Revillame sabi sa kanya, ‘kahit po walang ulam Kuya Will, kahit kanin lang.

“At si Willie Revillame hindi mo puwedeng itago sa kahon, panahon ng pandemya, panahon nu’ng bagyo nu’ng makita si Willie, ‘yan ang Pinoy! Sa gitna ng lungkot, nakangingiti pa rin, ‘yan ang Pinoy sa gitna ng kalamidad nakasisigaw pa rin.

“Ang pinakamatatapang na tao po sa mundo ay ‘yung nakangingiti sa kabila ng pagluha, ‘yung nagpapakita ng masaya sa kabila ng mga kalamidad at ‘yan po ang Pinoy, maitiisin, matatapang.

“Sabi nga ni Willie nag-usap kami, ‘alam mo Inang ang sarap sanang mamahagi ng konting tulong lalo na sa matatanda at bata pero sinabihan ako nu’ng nagga-guide sa akin, ‘kuya Will ‘wag kang magsimula baka magka-stampede.  Kasi nga kung magbibigay siya ng isang libo sa matanda at bata, e, baka magkagulo kaya hindi niya nagawa pero gustung-gustong niyang gawin.

“Maganda ‘yung ganito, eh, gaya ni Gretchen (Barretto), ni Willie, ni Angel (Locsin), ni Kris Aquino, at ng ibang mga personalidad na marunong pong mamahagi ng mga biyayang tinatanggap nila.

“Maganda po ‘yung ganito na personal nilang nakikita ‘yung senaryo mismo, reality check ‘to, eh, na napakasuwerte pala nila,” kuwento ni ‘Nay Cristy.

Isa si Willie Revillame sa mga personalidad na nag-iikot talaga sa mga lugar ng mga nasalanta ng bagyo. 

Kaya, labis ang kanyang panlumo nang makita ang tunay na sitwasyon ng mga taong apektado ng super typhoon Odette.

Marami ring ibang personalidad na gumagawa sa bahay nila ng mga gift packs at ipinadala rin sa mga biktima ng bagyong Odette na ipinost nila sa kani-kanilang Instagram account.

Kamakailan, pinag-usapan noon sa social media si Willie Revillame matapos ang pahayag ng isa sa mga kilalang commentator na si Lolit Solis. 

Ibinahagi ni Lolit Solis sa social media ang kanyang matagal ng pangarap na magkaroon ng sariling IPad para pang-stream niya sa mga paborito niyang Korean series. 

Sa kanyang post, nabanggit niya na naghahanap umano siya ng "sponsor" para sa nasabing IPad. 

Pabiro namang sinabi ni Lolit na nais niya ang CEO ng Beautederm na si Rhea Tan ang kanyang magiging sponsor. 

“Hummahanap pa nga ako ng sponsor ng Ipad para sa mga Koreanovela ko na gusto ko pa download kay Randolf, dapat si Rhea Tan ng Beautederm ang gagawin ko sponsor para sa Ipad pag tinanong niya ano gusto ko sa Pasko hah hah hah," post ni Manay Lolit sa kanyang Instagram. 

Dito, nabanggit ni Manay Lolit ang Iphone 13 na natanggap niya at ng entertainment editor na si Salve Asis mula kay Gretchen Barretto. 

Ang umanong gadget ay una nilang hiningi mula kay Willie Revillame. 

“Hindi na ako hihingi kay Willie Revillame dahil madalas drawing lang pag nag promise, buti na lang mabait Gretchen Barretto at sinabi ni Ms. Ana Abiera at Ms. Rusky Fernandez ang dream natin na Iphone 13. 

Kung hinintay natin kay Willie Revillame hahanap pa siya sponsor, ang Shopee o Frontrow para buy ang cellphone, hah hah hah, hindi siya ang bibili," pahayag ni Manay Lolit. 

“Kaya Salve ayusin mo iyan signal ng phone mo noh, para hindi ma delay ang IG ko at mabasa na ni Rhea Tan ng Beautederm para buy na siya ng Ipad at lagyan na agad ng mga Koreanovela ko, bongga ! Pasko na talaga, winner na winner na," dagdag pa niya.

Si Lolit Solis ay isang entertainment reporter, talent manager at isa sa mga sikat na host sa bansa. Kilala siya sa kanyang pagiging prangka sa kanyang mga komento tungkol sa showbiz at political issues sa bansa. 

Source: bandera

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment