Milyon-milyong views ang Tiktok video ng isang netizen na nagbahagi ng kanyang nag viral na video ng kanyang mapagmahal na lola.
Base sa caption na nilagay sa netizen sa viral naTikTok video, sinabi umano ng kanyang lola na na may ibibigay daw ito sa kanya dahil malapit na umano siyang mamatay.
Hindi makapaniwala ang netizen dahil bugkos-bugkos na pera sa kanyang pitaka ang inabot niya sa kanyang apo.
Marami ang naantig at naluha sa nag viral na TikTok video. Labis na naantig ang puso ng mga netizen lalong lalo na sa mga apo para sa kanilang lola.
Base naman sa kanyang sagot sa tanong ng isang commenter, 95 anyos na ang kanyang lola at ipinost lamang daw niya ito para sa memorabilia purposes.
Hinimok niya rin ang netizens na ipadama sa mga mahal sa buhay ang pagmamahal nila.
"Salamat po. For memorabilia purposes po kaya inapload ko ito. sana ipadama natin ang ating pagmamahal sa mga mahal natin sa buhay habang nabubuhay pa," aniya.
Ang pagkakaroon ng mabuting magulang ay isa sa mga itinuturing na tanging yaman ng mga anak. Sabi pa ng iba, marami umano ang naghahangad na magkaroon ng mga mga magulang na kayang magsakripisyo alang alang sa kanilang mga anak.
Sa ulat ni Claire Lacanilao sa GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Huwebes, sinabing sinimulan ni Rogelio Fortes ng Agoo, La Union na mag-ipon nang mag-OFW ang kaniyang kabiyak na si Rodelyn.
Ang mga ipinadalang pera ni Rodelyn para sa kanyang asawa at anak, hindi umano ito ginastos ng kanyang asawa at kung minsan nga raw ay dinadagdagan pa ni Rogelio, asawa ni Rodelyn.
Kaya, pag-uwi ni Rodelyn sa Pilipinas, labis siyang nasorpresa sa nakita niyang naipong bande-banderang pera ng kanyang anak at asawa mula sa kanyang mga ipinadala.
"Ang ginawa ko para makatulong ako sa asawa ko, nagpursige akong mag-ipon. Lahat ng ipinapadala ng misis ko imbes na bawasan ko dinadagdagan ko pa kasi nga nag- store ako," anang mister.
Dahil sa ipon, naipaayos nila ang kanilang bahay at nakabili ng sidecar at motorsiklo.
"Hindi ko lubos maisip na ganun yung maiipon niya kasi magkano lang naman yung sahod ko doon sa Kuwait saka sa Malaysia," ayon kay Rodelyn.
Proud na proud din ang mag-asawa dahil kahit sa ganoong paraan, naituro at naipakita nila sa kanilang anak ang kahalagahan ng pag-iipon.
Ang kwentong ito ay isa lamang inspirasyon sa lahat na mahalaga talaga na ginagastos ang pera sa tamang paraan at hindi winawaldas lang ng basta-basta.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment