Viral na viral ngayon ang isang couple dahil sa kanilang wedding ceremony na siyang ikinatuwa ng maraming mga netizen.
Sa video na ibinahagi sa social media, kitang kita ang groom na ininom umano ang laman ng cup na hawak mismo ng pari at naging "laughtrip" ang dating ng kanyang reaction matapos ininom ang nasabing wine.
Marami ang nagsabi na sa reaksyon na ibinigay ng groom ay tila nakainom umano siya ng 'apple cider vinegar.'
Mabilis na kumalat ang video na ito at tila naghatid ng kasiyahan sa mga nakapanood ng nag viral na video.
Ang post ng ito ng netizen na Facebook user na si Genesis Paragele Estrera, agad ito nakahakot ng 6,000 comments, 69,000 reactions at 2.1 milyon views sa Facebook.
Kaugnay nito, sa isang kwento rin na tungkol sa nag viral na kasalan, maraming mga netizen ang nalungkot sa nag viral na video ng isang bride na umiiyak suot ang kanyang wedding gown matapos niloko siya ng kanyang wedding coordinator.
Ang nasabing bride ay hindi idene-disclose ang kanyang pangalan. Ang babaeng nasa video ay taga Minglanilla, Cebu.
Na-iscam umano ang bride sa kinuha niyang wedding coordinator na kilala sa pangalang Naser Fuentes.
Ayon sa nasabing post, ang akala nila na inayos na ng kanilang wedding coordinator ang reception, ngunit, walang reception na naganap pagkatapos ng kasal.
Ayon din sa post ng videographer ng ng kasal na si Jesson Argabio Jes, sinabi niyang first time niyang maka-witness ng ganitong klaseng scam.
"Ang event naman ngayon ay scam, first time ko talaga ito. Quits lahat," ani ng videographer.
Nagpakita pa nga umano ang wedding coordinator sa kasal, ngunit bigla rin itong nawala at hindi na raw ma-contact pagkatapos.
Pagkatapos ng kasal, dumiretso na sila sa venue kung saan nandoon ang pinagkasunduang lugar ng reception. Ngunit, close umano ang nasabing venue.
Ayon sa tao na in-charge sa venue, walang event na naka-book doon para sa kanilang reception. Wala rin daw pagkain at decors. Sa madaling salita, wala lahat.
Totoong na-iscam umano ang couple dahil fully paid na ang mismong wedding package. Lahat ng suppliers ay hindi rin binayaran dahil hindi pa sila nabigyan ng kanilang coordinator.
Mula sa make-up artists, photo and venue, wala silang nakuhang bayad dahil na-scam sila ng wedding coordinator.
Basahin ang post ng videographer:
"Okay, Nagpakita pa ang coordinator sa Preparation then nawala rag kalit nya until sa church di na makontak, then paghuman sa ceremony diretso na sa Reception then pag abot namo sa Reception Venue (Unta) walay Venue kay Close and according to the person nga naa sa Venue, wala daw naka book nga event didto sa ilaha for reception. In short wala tanan, way Food, Way venue, way decor as in wala tanan. To make the story short gi Scam ang couple sa Coordinator and Fully Paid na daw tong wedding package. Kami suppliers, Make Up artist, Photo and Venue kay tabla pud. Wa pa man me ma bayri sa Coordinator. It's a Big Scam!"
Maraming mga netizen ang nagpahayag ng kanilang sama ng loob sa nabalitaang post. Ika nila, hindi raw madali para sa isang bride at sa couple mismo na ganoon ang kinahinatnan ng kanilang sana'y pinakamasayang araw.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment