Tuesday, August 16, 2022

Isang aso na nailigtas mula sa sunog, hindi mapigilan ang pagyakap sa vet na nagligtas ng kaniyang buhay!

Isang gabi sa West Palm Beach sa Florida ay kinailangan rumesponde ni fire rescue Captain Gregg Gordon at ng kaniyang pangkat sa isang sunog. Nang makarating sila sa lugar ay kritikal ang lagay ng isang guard dog dahil sa sunog.

Naabutan nila itong nakatali sa isang puno at talagang umiiyak sa sakit. Isa sa kaniyang grupo ang tumulong sa aso upang makawala sa pagkakatali nito at agad siyang dinala sa Jupiter Pet Emergency and Specialty Center (JPESC).

“The little guy was burned up pretty good. Even when we grabbed him, he was very distressed. I was concerned whether he would live.” Pahayag ni Gordon.

Mabuti na lamang at kaagad siyang nilapatan ng lunas ng vet on duty ng mga oras na iyon – si Dr. Latimer. Nanlumo ang doktor nang makita ang mga naging pinsala ng sunog sa asong si Smokey.

Ayon naman sa doktor ay malaki ang tyansang makaligtas at mabuhay siya basta’t maibibigay ang lahat ng gamot at maalagaan siya hanggang siya ay tuluyan nang gumaling.

“During the several weeks that he was with us at JPESC, Smokey received multiple blood transfusions (THANK YOU “Shadow”)! Daily baths and bandage/wrap changes. In addition, he received treatments in the hyperbaric chamber to help with reduction of swelling as well as pain from the multiple burns/” Pagbabahagi ng JPESC sa kanilang Facebook page.


Noong una ay mahahalata kay Smokey na talagang kinakabahan siya at natatakot ngunit kalaunan ay naging komportable na rin siya sa mga doktor at mga nars roon. Hindi nagtagal at bumisita rin doon ang mga bumbero na nagligtas kay Smokey.

$bp(“Brid_25906353”, {“id”:”23832″,”width”:”758″,”height”:”426″,”video”:”822151″,”autoplay”:0,”shared”:true});

Tulad na lamang ni Gordon na ipinakilala rin ang dalawa niyang aso kay Smokey na tuwang-tuwa naman na makakilala ng mga bago niyang mga kalaro. Ilang linggo pa ang lumipas mula nang pansamantalang alagaan ni Gordon si Smokey sa kanilang bahay at nang bumalik ito sa JPESC para sa kaniyang routine check-up ay hindi na nga niya napigilan pang talunin ang kaniyang doktor at bigyan ng malaking yakap bilang pasasalamat sa pagliligtas sa kaniya.


No comments:

Post a Comment