Tuesday, August 16, 2022

Isang tuta at isang kuneho na magkayap pa sa kanilang pagtulog, kinagiliwan ng publiko!

Ang pagkakaroon ng isang totoo at mabuting kaibigan ay isa lamang sa mga pagpapala na dapat nating ipagpasalamat sa Diyos. Hindi kasi madaling makahanap ng isang tunay na kaibigan lalo na sa panahon natin ngayon.

Maaaring mayroon nga tayong kaibigan ngunit kinakaibigan lamang pala tayo nito dahil sa mayroon tayong pakinabang sa kaniya. Maaaring ito ay sa paaralan, sa trabaho, o maging sa ating mga kakilala at kamag-anak.

Nakakalungkot mang isipin ngunit marami na rin sa atin ngayon ang nakaranas ng pagtataksil ng isang kaibigan. Sa mga panahon na wala na tayong ibang inaasahan ay madalas na nakararanas pa tayong ng pagtataksil mula sa mga taong inaakala nating pamilya ang turing sa atin.

Kung kaya naman kapag nakaktagpo na tayo ng kaibigan na talagang tunay at mabuti ang intensyon sa atin ay pakaingatan at pahalagahan natin ang mga ito. Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang natuwa sa video na ito ng isang magkaibigan – isang kuneho at isang tuta.

Sa naturang video ay makikita silang naglalaro at magkasama palagi. Sa tuwing kumakain ang kuneho ng iba’t-ibang mga prutas ay nasa tabi naman nito ang tuta na tila ba naghihintay lamang na matapos kumain ang kaniyang kaibigan.

Mayroon pang ilang pagkakataon kung saan yayakapin ng tuta ang kaibigan niyang kuneho at maya-maya pa ay makakatulog na itong yakap ang munting kaibigan. Marahil ay komportableng-komportable ang tuta sa tabi ng kaniyang kaibigan.

Gayundin naman ang kuneho na maya-maya pa ay nakatulog na rin. Para bang hindi na mapaghihiwalay pa ang dalawang magkaibigan.

$bp(“Brid_48811111”, {“id”:”16989″,”width”:”758″,”height”:”426″,”video”:”984344″,”autoplay”:0,”shared”:true});

Nakakatuwang malaman na kahit pala magkaiba ang lahi ng mga hayop na ito ay maaari pa rin pala silang maging magkaibigan – hindi nagsasakitan at hindi nag-aaway. Maaaring marami nang hindi kaaya-ayang balita ngayon sa iba’t-ibang panig ng mundo ngunit ang ganitong klase ng mga balita ay talaga namang nakakapagpagaan ng kalooban.


No comments:

Post a Comment