Sunday, August 7, 2022

Isang cute na Pomeranian, naligaw at bigla na lamang natagpuan sa isang bundok ng mga repolyo!?

Isang napaka-cute at napakagandang Pomeranian ang natagpuan sa tindahan ng mga gulay. Tila ba nakatulog ito ng mahimbing sa ilalim ng napakaraming mga repolyo.

Nakuhanan din naman ng video ang paglabas nito sa gabundok na mga repolyong iyon. Sobrang cute ng naturang aso kung kaya naman maraming mga netizens ang nagkomento at nagpahayag ng kanilang mga reaksyon patungkol sa asong ito.

Marahil ay nagtataka rin ng husto ang aso kung paano siya napunta sa bundok ng mga gulay na iyon. Ang mga breed ng aso tulad ng mga Pomeranians ay maliit lamang, mukhang mga fox sa unang tingin ngunit talaga namang napakasigla at napakakulit.

Madali rin silang turuan ng mga tricks dahil sa likas silang masunurin sa kanilang mga amo. Hindi na nakapagtataka na marami sa atin ang gustong-gustong mag-alaga ng mga Pomeranian na ito.

Ayon sa ilang mga pag-aaral, ang mga ganitong uri ng aso pala ay maliit lamang sa ating paningin ngunit mayroong mga pambihirang katangian. Kayang-kaya nilang makabagay sa buhay probinsiya at mainam din silang kasama ng mga bata.

Ito rin ang pinakamaliit na aso sa Spitz family tulad na lamang ng mga Samoyed, Alaskan Malamute, at Norwegian Elkhound. “Small but terrible” nga talaga ang mga Pomeranians na ito dahil mayroon silang malalakas na pagtahol at mainam rin silang mga “watchdogs”.


Ang napaka-cute na Pomeranian na ito ay nakilala bilang si Hiromi. Tunay nga na hindi lamang kasama sa bahay ang turing natin sa mga alaga nating hayop.

Madalas ay itinuturing na rin natin silang bahagi ng ating pamilya – maaaring anak o di kaya naman ay kapatid na ang turing natin sa kanila. Napakasarap din namang magkaroon ng mga alagang hayop tulad nito, hindi ba?

Ngunit pakatandaan sana natin na kailangan din nila ng ating oras, pagkalinga, at atensyon. Kung kaya naman dapat talagang paglaanan natin sila ng panahon at pagmamahal na nararapat din naman sa kanila.


No comments:

Post a Comment