Sunday, August 7, 2022

Mga aso, kayang ma-detect ang isang masamang tao kung kaya naman alam din nila kung nagsisinungaling ka o hindi!

Maraming mga netizens ngayon ang nagkokomento patungkol sa balitang ito na kaya na raw matuklasan ng mga aso kung ang isang tao ba ay masama o hindi. Mas matalino pa pala ang mga alaga nating aso sa ngayon kumpara noon.

Marahil ay marami na sa atin ang nakaaalam na malakas talaga ang kanilang mga pang-amoy. Ngunit pati pala masasamang tao ay kayang-kaya nilang malaman.

Isang pag-aaral ang pinangunahan ng researcher na si Akiko Takaoka ng Kyoto University sa Japan. Ayon sa kaniyang naging pananaliksik ay kayang-kaya pala ng mga aso na magmasid at matuklasan ang iba’t-ibang ugali ng mga tao.

Sinong mag-aakala na kaya pala ng mga asong ito na maramdaman kung dapat bang pagtiwalaan ang isang tao o hindi? 34 na mga aso ang kabilang sa naturang eksperimento.

“Age-old trick” kung tawagin nila ang pamamaraan na ginamit ng mga mananaliksik. Tinuturo nila sa mga asong ito ang isang lalagyan ng pagkain, mayroong nakatago na pagkain dito.

Sa unang pagkakataon ay sumunod ang lahat ng aso na kalahok sa naturang pag-aaral. Sa ikalawang pagkakataon ay tinuro pa rin nila ang mga aso sa naturang lalagyan ng pagkain ngunit wala na itong laman ngayon.


Agad din namang tumakbo ang mga aso rito ngunit bakas sa kanilang mga mukha ang pagkadismaya dahil wala namang laman ang lagayan ng pagkain. Sa ikatlong pagsubok ay hindi na sumunod ang mga aso sa pinagagawa ng mga mananaliksik.

Kahit pa nga mayroon nang laman na pagkain sa ngayon ang naturang lalagyan, hindi pa rin sila nagtungo roon dahil batid nilang naloko na sila noong ikalawang pagsubok na kanilang ginawa.

“Dogs have more sophisticated social intelligence than we thought. This social intelligence evolved selectively in their long life history with humans,” paliwanag ni Takaoka.

Patunay lamang ang pag-aaral na ito na kayang matuklasan ng mga aso ang kasinungalingan at ilang mga isyu pagdating sa pagtitiwala o “trust”.


No comments:

Post a Comment