Siya si Benny, isang napakacute na tuta na isinilang sa Guide Dog Foundation. Iba sa mga ordinaryong tuta, siya ay mayroong mahalagang gampanin. Maaari siyang maging isang “service dog” sa isang veteran o di kaya naman ay maging “first responder in need”.
Maaari din siyang maging isang “guide dog” para sa may mga kapansanan sa paningin o sa mga bulag na indibidwal. Ano man at saan man siya malagay ay talagang importante ang magiging responsibilidad ni Benny.
Anim na linggo pa lamang siya nang una siyang dalhin sa kaniyang “initiation picture shoot”. Sanay na sanay na sa kamera si Benny ng mga panahon na iyon at tila ba gusto niya ang atensyon na kaniyang nakukuha.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay napansin ng marami na tila hindi nito maiwasang mapapikit at makatulog habang kinukuhanan siya ng mga larawan. Pinilit din naman ni Benny na pigilan ang kaniyang antok dahil batid nitong kailangan nilang matapos ang kanilang ginagawa ngunit natalo pa rin siya ng antok.
“During the shoot, Benny looked sleepier than ever, and we could see him starting to doze off, so we quickly began filming just in time to watch him slowly tip over,” Pahayag ni Rebecca Eden, ang “internet marketing coordinator” sa Guide Dog Foundation.
“Our nursery staff and photographer were all giggling, and you can hear one staff member say, ‘Goodnight,’ as he dozes off.” Dagdag pa nito.
Sinikap man ni Benny na hindi tuluyang makatulog ay wala na siyang nagawa bandang huli dahil sa sobrang kapaguran. Matapos nito ay pitong buwan siyang sasailalim sa pagsasanay upang maging isa nang ganap na “service dog”.
Hindi magtatagal at magagampanan din niya ang gampanin na iaatas sa kaniya ngunit sa ngayon ay hinahayaan na muna nila siyang maglaro at matulog kung kailan niya gusto. Talaga namang napaka-cute ni Benny, hindi ba?
No comments:
Post a Comment