Wednesday, August 10, 2022

Isang matapang na daga, lumapit at nakipaglaro sa isang pusa matapos siyang habulin nito!

Sa Pilipinas, isa na marahil sa sakit ng ating mga ulo ay ang pag-aaway ng mga pusa at daga sa ating kisame o bubungan. Talaga naman kasing napakaingay nito at nagkakalabugan.

Ngunit ang mas masakit pa sa ulo ay ang masangsang na amoy na daga na madalas nating maamoy sa iba’t-ibang bahagi ng ating bahay lalo na kung mayroong namatay na daga rito. Pahirapan ang paghahanap at paglilinis nito kung kaya naman talagang iniiwasan ito ng marami sa atin.

Noon pa man ay hindi na bago ang madalas na pag-aaway ng mga alaga nating aso at pusa. Kung kaya naman nagiging paglalarawan na rin natin ito sa mga taong palaging nag-aaway at nagbabati sandali.

Gayundin naman ang mga pusa na talagang gustong-gusto ang paghahabol at paglalaro ng mga daga na kadalasan ay nauuwi sa pagkakasawi ng huli. Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng marami ang video na ito ng isang pusa at isang daga.

Tulad ng mga ordinaryong pusa at daga ay talagang naghahabulan sila ng walang tigil. Inakala pa nga mga nakapanuod ng video na mauuwi ito sa pagkakasawi ng daga.

Ngunit tila ang dalawang ito ay matalik na magkaibigan. Dahil pagkatapos ng kanilang paghahabulan ay namahinga ang pusa sa isang tabi.

Maya-maya pa ay lumalapit na sa kaniya ang maliit na daga na tila ba naglalambing. Hindi naman naging agresibo ang pusa sa daga bagkus ay nakipaglaro pa nga ito rito.


Namangha ang marami dahil natural sa isang pusa na maging mapanakit sa mga dagang ito. Tila “Tom and Jerry” sa tunay na buhay ang pusa at dagang ito. Marahil ay magkaiba sila ng lahi ngunit hindi ito naging hadlang upang magkasakitan silang dalawa.

Bagkus, sa kabila ng kanilang pagkakaiba ay nagawa pa rin nilang maging magkaibigan. Marahil ay marami din tayong matututuhan sa mga hayop na ito.

$bp(“Brid_50563090”, {“id”:”16989″,”width”:”757″,”height”:”426″,”video”:”997523″,”autoplay”:0,”shared”:true});

Tulad na lamang ng pagkakaibigan na ito ng isang pusa at ng isang daga.


No comments:

Post a Comment