Isang administrator mula sa online Thai community sa Muang Thong Thani ang talaga namang malapit ang puso sa mga hayop na nakatira sa lansangan. Noon pa man ay talagang nais na niyang matulungan ang mga asong kalye na ito.
Nais niyang may masilungan sila at maging ligtas mula sa malalakas na hangin at ulan, at maging sa napakatinding sikat ng araw. Hindi naman siya nahirapan na maghikayat ng mga taong magboboluntaryong magkabit at gumawa ng mga “temporary shelters” na ito.
Ang mga ito ay gawa lamang sa mga lumang billboards kung kaya naman talagang abot-kaya ang naturang proyekto. Madali rin ang naging pagkakabit nila ng mga ito dahil sa pader lamang nila ito inilagay.
Ang mga materyales na kanilang ginamit ay “lightweight”, “convenient”, at madaling gamitin. Maaari din naman munang tupuin ang mga shed na ito kung hindi gagamitin. Hinding-hindi malilito o mahihirapan ang mga mag-aayos nito dahil mayroon din namang mga ilustrasyon sa bandang harapan ng mga sheds na ito na madaling makita ninuman.
Talaga namang puring-puri ito ng mga netizens dahil napakagandang ideya nito at tiyak na magiging malaking pakinabang para sa mga asong kalye ng kanilang lugar. Hindi na malalagay pa sa mahirap na sitwasyon ang marami sa kanila.
Sa tulong na rin ng mga tao sa komunidad nila na nagkakaisa ay tiyak na mas magiging mabuti-buti na rin ang kalagayan ng mga asong ito lalo na sa panahon ng tag-ulan o kaya naman ay katirikan ng araw. Narito ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens patungkol sa naturang proyekto:
“What a heart-warming idea!”
“So the stray dogs don’t have to worry about rainy days anymore.”
“I hope every community can have these sheds.”
“Thanks to the enthusiastic administrators and volunteers!”
Kung sana ay mas marami pang mga lugar at komunidad ang makakagawa ng mga ganitong klaseng proyekto. Tiyak na mas magiging maayos ang kalagayan ng mga inabandona at napabayaang hayop na ito – pusa man, aso at marami pang iba.
No comments:
Post a Comment