Tuesday, August 16, 2022

May-ari ng isang carinderia, hindi nagsasawa na bigyan ng pagkain ang mag-jowang aso na ito!

Nakakalungkot ang dami ng mga nababalitaan nating pang-aabuso sa mga hayop. Talagang talamak na ngayon ang pag-aabandona sa mga alagang hayop at ang tahasang pananakit sa mga ito.

Bagamat mayroon na tayong batas patungkol rito ay hindi pa rin natitinag ang maraming masasamang loob sa paggawa ng mga hindi kanais-nais na bagay sa mga kawawang hayop na ito. Buti na lamang kahit papaano ay mayroon pa ring iilan na marunong mag-alaga at magmalasakit sa mga hayop.

Halimbawa na lamang ang isang ginang na ito na may-ari ng isang carinderia. Siya ay nakilala bilang ang 50 taong gulang na si Arlene Rosaceña na taga-Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Ayon kay Arlene, ang aso na palaging pumupunta sa kaniyang kainan ay walang iba kundi ang aso ng kaniyang nasirang hipag. Ito ay ang 11 taong gulang na si Negro.

Kinailangan pa raw niyang tubusin si Negro sa city pound sa halagang P500 dahil kung hindi ay posibleng mamatay ito roon. Nang makawala ay dito na nga nagsimula ang madalas nitong pagdalaw kay Arlene upang manghingi ng makakain.


Kasama pa nito ang diumano ay “jowa” niya na si Barbie, tatlong taong gulang din na Aspin. Ang paboritong ulam ni Negro na palaging binibigay sa kaniya ni Arlene ay salami.

Talaga namang umaga, tanghali, at gabi ang oras ng pagpunta nina Negro at Barbie sa tindahan ni Arlene. Marahil para sa iilan ay hindi nila ito bibigyan palagi ng pagkain at baka masanay.

Lalo na sa taas ng mga bilihin ngayon na wala na ring kinikita ang maliliit na mga tindahan at kainan tulad ng kay Arlene. Ngunit hindi niya ito alintana.

Dahil certified dog lover din talaga siya, mas nais niyang makatulong sa mga aso na tulad ni Negro at Barbie. Sa ngayon ay mayroon nang mahigit sa 3 million views ang kanilang video.

Marami din ang nagkokomento at nagre-react dito. Dumagsa rin ang mga netizens na humahanga kay Arlene dahil sa pagmamalasakit niya sa mga aso.


No comments:

Post a Comment