Tuesday, August 16, 2022

Isang 11 taong gulang na bata, hindi nagdalawang-isip na iligtas ang aso na nasagasaan ng sasakyan!

Marami sa atin ang talagang may malambot na puso pagdating sa mga hayop. Bata pa lamang kasi tayo ay nakasanayann na natin at nakalakihan ang pagkakaroon ng mga alagang hayop sa ating mga tahanan.

Kung saan nagiging bahagi na rin sila ng bawat pamilya at hindi na iba kung ituring. Madalas nga ay mas mahal pa ang kanilang mga gamit at pagkain kaysa sa atin.

Hindi na nakapagtataka na ganoon na lamang ang pagmamalasakit ng isang 11 taong gulang na bata sa nakita niyang aso na nasagasaan ng isang sasakyan. Ang bata na ito ay nakilala sa pangalang Jean Fernandes na mula sa Brazil.

Taong 2013 pa nang mangyari ito sa Itajaí, Brazil. Ayon sa mga otoridad, nasagasaan ng isang truck ang kawawang aso at hindi man lang ito tinulungan ng drayber bagkus ay tinakbuhan pa.
Nang makita ng batang si Jean ang pangyayari ay hindi na ito nagdalawang-isip pang iligtas ang aso. Nakaligtas naman ang dalawa kahit pa napakaraming sasakyan ng mga oras na iyon.

Agad din namang dinala ang nilapatan ng lunas ang natamong pinsala ng aso sa “animal control center”. Sa ngayon ay nasa maayos nang kalagayan ang aso.

Samantala, inulan naman ng maraming positibong komento mula sa publiko ang kabayanihan na ito ni Jean. Tunay nga na hindi lahat ng kabataan sa ngayon ay mayroong kakayanan na magawa ang kaniyang ginawa para lamang makapagligtas ng isang aso.

Napakasarap sa pakiramdam na mayroon pa rin palang mga kabataan sa ngayon ang may pagmamalasakit at pagmamahal sa mga hayop sa kanilang paligid. Sana ay magsilbi din itong aral at paalala sa publiko na huwag nating pabayaan ang mga hayop at halaman sa ating paligid.

Dahil sa atin sila ipinagkatiwala ng Diyos at gampanin natin na masiguro ang kanilang kaligtasan sa mundong ito kahit ano pang edad o estado natin sa buhay.


No comments:

Post a Comment