Walang edad pagdating sa edukasyon, bata man o matanda maaaring mag-aaral kung nanaisin mo lamang. Kaya nga binitiwan ng isang 52-anyos na si Benjie Estillore ang katagang “Hindi hadlang ang edad sa nagnanais na makapag-aral”. Mga litanya ng mga taong may pangarap at may determinasyon sa kanyang minimithi sa buhay.
Si Benjie Estillore ay isang Grade 12 student sa Benigno S. Aquino High School sa lungsod ng Makati. Pumukaw ng atensyon ang kanyang larawan na kuha at ibinahgi ni Earl Licera dahil dito marami ang naantig sa kanyang determinasyon bilang mag-aaral. Ang nasabing larawan ay kuha noong unang araw ng klase, sa muling pagbabalik ng face to face class nakuhanan ng larawan si tatay Benjie na may hawak ng karatula at may paskil na Grade 12 student habang kasamang nakahanay ang ibang estudyante.
Si tatay Benjie ay estudayante sa umaga at Grab driver naman sa gabi. Ayon sa kanyang kwento sa isang panayam sa kanya, talagang nais niyang makapagtapos ng pag-aaral dahil naniniwala siya sa kahalagahan ng edukasyon. Alas kwatro pa lamang ng madaling araw ay gumigising na ito, hindi upang mamasada kung hindi gumayak upang pumasok sa eskwela at matapos nun sa pag-uwi deretso ang byahe niya bilang Grab driver.
Ginagawa ni tatay Benjie ang lahat ng ito upang matustusan ang pangangailan pati na rin ang kanyang pag-aaral. Bilib din sa kanya ang kanyang mga kamag-aral at mga guro sa nasabing paaralan kung saan isa rin siyang achiever. Siya ang nahirang na class president at madalas maging leader sa mga group activities.
Naniniwala si tatay Benjie na hindi pa huli ang lahat upang makapagtapos at makamit ang kanyang minimithing kursong political science. Anya maaga siyang naulila kaya naman hindi na ito nakapagpatuloy sa kanyang pag-aaral. Ngunit ngayon may oras at panahon na siyang muling balikan ito, ay walang imposible basta kilusan ang pangarap
No comments:
Post a Comment