Umantig sa maraming netizen ang isang post na ito sa social media na ibinahagi ni Angeline Alminar Bello sa kanyang post kasi ay makikita ang isang batang estudyante na naglalako ng panindang “pastil”
Nakita niya ang batang mag-aaral sa SVNHS isang grade 7 student na naglalako ng kanyang panindang pastil sa mga coast guard. Tinanong ng netizen kung magkano ang kanyang itinitindang pastil.
Sumagot naman ang bata na bente pesos lamang ang bawat isa, saad pa ng bata ay siya raw ang gumagawa ng kanyang panindang pastil upang makatulong sa kanyang mga magulang.
Bagaman panghapon pa ang kanyang pasok ay maaga palamang ay naglalako na ito upang makahabol sa kanyang klase, dag-dag pa ang init at halatang pawis na ang bata sa pag-aalok ng paninda ay hindi ito alintana.
Kanina habang naglalakad ako mula school (RP Cruz) hanggang sa bahay, nakasabay ko itong bata na isang grade 7 at nag aaral sa SVNHS daw sya.
Nag-aalok siya sa mga Coast Guard. Tinanong ko kung anong tinitinda niya, sabi niya “Ate Pasil po bente pesos lang.” Bumili ako, at habang pini-prepare niya yung binibili ko sa kanya kinausap ko sya, sabi ko Nak anong grade mo? sagot niya “grade 7 po ako sa Signal Village po, sabi ko pang hapon ka pa diba bakit naka uniform ka na agad at pawis na pawis kana? “Kasi po para pag naubos itong paninda ko diretso pasok na po ako sa school”.
Dagdag pa niya, “Ate ako po gumagawa niyang Pastil!”. Sabi ko, Wow ang galing mo naman at marunong ka ng magluto. Sabi niya “Opo ate”.
Naalala ko ang aking kabataan na naglalako din ako ng almusal nung ako ay bata pa. Sabi ko sa bata, “Nak sana maubos yang paninda mo, tiyaga ka lang muna sa ngayon para makatulong ka sa pamilya mo, ang sipag mo at sana makatapos ka ng pag aaral.” Sabi niya, “Salamat po ate.”
Ito yung mga bata na alam mong hanggang pag tanda nila eh madiskarte sa buhay, bata palang alam na nila ang kahalagahan ng pag aaral at pag sisikap. Matulungin sa magulang at pamilya. Sana ibless ka ni Lord at makapag tapos ka ng pag aaral mo at maging successful ka someday. Mag iingat ka palagi sa pagtitinda mo at sana maubos yan palagi. Pag nakita kita ulit, kahit diet at no rice ang Ate bibilan pa din kita, favorite kasi ng anak ko yan.
No comments:
Post a Comment