Marami ang naantig sa kwento na ito ng isang ginang na mayroong busilak na puso. Nakatira lamang sa kaniyang barong-barong si Nanay Hazel. Kapos man siya sa buhay ay naroroon pa rin ang pagmamahal at pagmamalasakit niya sa mga alaga niyang aso.
Nalaman ng publiko ang kaniyang kabutihan nang minsang may makakita sa kaniyang ginagawa, kinuhanan ito ng video at ibinahagi online. Tunay nga ang kasabihan na kung sino pa ang walang-wala ay siya pang marunong magbigay sa iba.
Ang nakasaksi sa kaniyang ginawa ay walang iba kundi si Atty. Liavel Badillo-Crisostomo. Napansin niya si Nanay Hazel na may dala-dalang plastic ng pagkain.
Hinati niya ito sa dalawa at pagkatapos ay hinati niyang muli sa dalawa niyang aso. Ang natira naman ay pagkain niya rin kung saan sardinas ang kanilang ulam.
Dahil sa naantig ang abogado sa kaniyang nasaksihan ay agad itong bumaba sa kaniyang sasakyan at kinausap si Nanay Hazel.
“Nanay, wala na nga po kayo makain tapos binibigyan niyo pa mga aso ninyo?” Tanong sa kaniya nito.
“Parang mga anak ko na sila, kung ano kakainin ko, yun din kakainin nila.” Sagot naman ni Nanay Hazel.
Dahil dito ay hindi na nagdalawang-isip pa ang abogado na bigyan ng kaunting halaga si Nanay Hazel. Noong una ay tinatanggihan pa nga niya ito ngunit nagpumilit din ang abogado kung kaya naman tinanggap na lamang niya ito.
“I offered to give her some money but she refused. However, I insisted and placed the money inside her pocket. She was so grateful. The smile she gave me was one of the highlights of my day,” Salaysay pa ni Atty. Lia.
“Kung makakadaan po kayo sa may BDO West Avenue, fronting Sangkalan, abutan po ninyo si Nanay Hazel. May Nanay Hazel’s actions serve as inspiration to all of us today. God bless us!” Dagdag pa niya.
No comments:
Post a Comment