Saturday, June 27, 2020

John Lloyd Cruz: Sa Isang Kampanya Laban Sa COVID-19: “Naay Paglaum. Kita Ang Paglaum.”


Naging bahagi ang aktor na si John Lloyd Cruz sa isang kampanya sa Cebu na naglalayong labanan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19 sa siyudad.

Matagal-tagal na rin mula nang manatili sa Cebu ang aktor at ilang beses nang namataan sa syudad. Minsan na ring naiulat ang pakikipagtulungan ni John Lloyd sa mga lokal ng Cebu upang makapag-abot ng tulong.

Sa ngayon, ang Cebu ang isa sa mga lugar sa bansa na may pinakamabilis na paglaki ng mga kaso ng COVID-19. Labis itong nakakabahala kaya naman ilang mga organisasyon na ang naglunsad ng kampanya upang tulungan ang gobyerno sa pakikipaglaban sa sakit.

Isa na rito ang University of the Philippines Medical Alumni Society – Cebu (UPMAS-Cebu) Chapter. Sa kampanyang inilunsad ng UPMAS-Cebu, hinihimok nila ang mga Cebuano na panatilihan ang madalas na paghuhugas ng kamay, social distancing, at ang pagsunod sa mga health protocols.


Sa pamamagitan ng isang video, nakibahagi ang aktor sa kampanyang ito at nagsalita pa ng Cebuano upang maipahayag sa mga Cebuano ang mga layunin nito.

“Ako man guilty usahay. [Kahit ako guilty minsan]. Pero sugod karon, wa nay rason. [Pero simula ngayon, wala nang rason]. No more excuses…

“Magsuot ho tayo ng face mask. Maghugas lagi ng kamay. Manatili po tayo sa ating mga balay [bahay]. At kung kinakailangan po lumabas, sundin po ang social distancing. Naay paglaum. Kita ang paglaum. [There is hope. We are the hope],” saad dito ni John Lloyd.

Layunin dito ni John Lloyd at ng UPMAS-Cebu na magkaisa ang mga Cebuano sa paglaban sa COVID-19.

Nagpapasalamat naman ang UPMAS-Cebu sa pakikiisang ito ng aktor sa kanilang layunin. Malaki ang naitulong nito upang maipaabot ang layunin ng organisasyon sa mga Cebuano.

“Naa pa tay second chance. Naay paglaum. Kita ang paglaum. Thank you John Lloyd Cruz. [We still have a second chance. There is hope. We are the hope.],” saad pa ng UPMAS-Cebu.


Hindi lamang si John Lloyd ang celebrity na nakiisa rin sa kampanyang ito. Pati na rin sina Ellen Adarna at Baron Geisler, na katulad ni John Lloyd ay nananatili sa Cebu, ay nakiisa rin sa naturang kampanya.

Sa pamamagitan rin ng isang video, saad naman ni Baron sa mga Cebuano,

“Tungod palangga ta ka [Dahil mahal kita], dito lang ako sa bahay. Maraming pwedeng gawin dito sa bahay. Lumalabas lang ako kapag importante. Kapag masama pakiramdam ko, dito lang muna sa bahay.

“Tungod, palangga tika. [Dahil, mahal kita.].”

Tungkol naman sa tamang pagsusuot ng face mask ang naging mensahe ng Cebuana actress na si Ellen Adarna sa kapwa niya mga Cebuano. Saad pa ni Ellen,

“‘Day, tungod kay palangga ta ‘kaw, ako magsuot ko’g face mask.

“Ingon ani-on ang pagsuot sa facemask. Dapat, manghunaw jud ka sa imong kamot… dapat limpyo. Unya, isuot nimo sa imong dunggan, left and right. Manigurado jud ka ‘day na matabunan ang ilong, ang baba, og ang suwang.

“Unya ang pagtangtang sa face mask, manigurado na sad ta ‘day na manghugas sad ta… kailangan limpyo ang kamot. ‘Nya dili jud na nato hilabtan ang atubangan, diba? Unya kung tela imong face mask, manigurado jud ta ‘day na labhan na siya kada adlaw.

“Kay tungod, palangga tikaw.”

[‘Day, dahil mahal kita, magsusuot ako ng face mask.


Ganito ang pagsusuot ng face mask. Dapat, siguraduhin natin na naghugas tayo ng kamay… dapat malinis. Tapos, isuot ito sa tenga, left and right. Siguraduhin dapat na natatakpan ang ilong, ang bibig, at ang baba.

Sa pagtatanggal naman ng face mask, siguraduhin ulit na nakapaghugas at malinis ang kamay. At hindi dapat hinahawakan ang harapan (ng face mask). Kapag gawa sa tela ang face mask, sihuraduhin na nalalabhan ito araw-araw.

Dahil, mahal kita.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment