Saturday, June 27, 2020

Nakaraan Ni Carmina Villaroel kay Rustom Padilla, Itinago Nito Sa Kanyang Kambal


Sa isang panayam, minsan nang ibinahagi ni Carmina Villaroel ang hindi nito paglalahad ng kanyang nakaraan sa kanyang kambal na anak.

Dating ikinasal si Carmina kay Rustom Padilla na kilala na ngayon bilang si BB Gandanghari.

Ayon kay Carmina, parehong desisyon nila ng asawang si Zoren Legaspi na huwag munang sabihin sa kanilang kambal na sina Mavy at Cassy ang tungkol sa kanyang nakaraan.

“We wanted to tell them sa tamang paraan at sa tamang panahon,” ani pa ni Zoren tungkol dito.

Pahayag naman ni Carmina tungkol dito,

“Tama si Zoren, gusto naming nasa tamang edad naman na sila. Just to avoid confusion habang lumalaki sila. Ngayon kasi, sa age nila ngayon, they can understand na ang lahat nang sasabihin namin sa kanila.

“Kaya tamang timing lang na nangyayari na ang lahat ng ito sa amin. Parang sign from God na kailangan sabihin na namin sa mga bata.


“It’s best nga naman na maging open na ako sa mga anak namin—tungkol sa nakaraan ko kesa sa ibang tao pa nila malaman, di ba?”

Ngunit, hindi lamang pala ito ang pansamantala ring itinago ng mag-asawa sa kanilang mga anak.

Bago pa nangyari ang kanilang kasal na labis na pinag-usapan ng marami dati, hindi rin pala ipinaalam nina Carmina na hindi pa sila naikakasal.

“Sa pagkakaalam kasi ng kambal, kasal na kami ni Mina sa isa’t isa… Tinago talaga namin hanggang hindi pa nangyayari ang matagal ko nang pangako kay Mina.

“Ayaw din naman naming ma-confuse ang kambal kaya hindi muna namin sinasabi.
“Gusto ko rin kasi na kay Mina manggagaling ang lahat ng kuwento. Siya na ang magbigay ng buong detalye sa mga bata,” dagdag pa ni Zoren.


Ngayong muli na namang lumilitaw ang mga usapin tungkol sa nakaraan ni Carmina at ni Rustom dahil sa mga inihayag ni BB kamakailan lang. Kaya naman, tanong ng ilan ay ano nga ba ang reaksyon ng kambal ni Carmina tungkol dito.

Ayon kay Carmina, bagama’t itinago noong una ay nagawa na umano nilang sabihin sa kambal ang totoo. Ang mas nakakagulat pa umano ay nang nalaman niyang alam na pala umano ng kambal ang tungkol dito.

Kaya naman, ikinatuwa na rin ito ni Carmina dahil naging maganda naman umano ang tugon ng mga bata sa kanyang nakaraan.

Natatawa pa nga ito nang minsang maikwento ang pangyayari.

“Ako pa ang na-shock!

“Noong sinabi ko nga na ang mommy nila ay married na before, sinagot ako ng, ‘Yeah, we know!’ So, nasabi ko, ‘Talaga? You both know?’ Sagot nila, ‘Yeah, you were married to BB!’

“Kaya natawa ako. Kasi parang casual lang sa kanila talaga. Noong tanungin ko kung paano nila nalaman, sagot nila, ‘We watch The Buzz. They always talk about you, tatay, and BB!’,” kwento pa nito.


Hindi inakala ni Carmina na magiging ganito lamang ka-kaswal ang magiging rekasyon ng kanyang mga anak. Kaya naman, ayon sa kanya ay parang nabunutan umano siya ng tinik sa ganda ng pagkakatanggap dito ng kanyang mga anak.

“Kaya para akong nabunutan na ng tinik sa dibdib, dahil alam na pala nila…

“Pero wala akong narinig na pagtatanong sa kanila regarding that. Ngayon ako naniniwala na maganda ang pagpapalaki namin ni Zoren sa kambal. Iba kasi ang reaction na ini-expect ko.

“Ini-expect ko na may iiyak, may parang magagalit. Hindi… Yung parang casual lang. Parang okey lang talaga sa kanila,” pagbabahagi pa nito.

Source: PEP


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment