Friday, June 26, 2020

LEAKED PHOTOS: Silipin Ang Warehouse Ng Kontrobersyal Na Delivery Services Company; Netizen's Binash Ang Kumpanya!


Matapos magtrending ang isang video kung saan, makikita ang mga trabahante ng isang delivery service company na itinatapon o hinahagis lamang ang mga parcel o package na kanilang ide-deliver, panibagong mga larawan na naman tungkol pa rin dito ang lumabas.

Ang naturang mga larawan ay mga ‘leaked photos’ umano ng bodega o warehouse ng parehong kompanya.

Sa pagkakataong ito, nakatambak lamang na animo’y bundok-bundok na basura ang hitsura ng mga package sa naturang warehouse.

Kagaya ng naunang ‘leaked’ na video, makikitang natutuwa pa ang mga trabahante ng naturang kompanya habang dinadaganan at hinihigaan ang bundok-bundok na mga package.

Kitang-kita ang walang pag-iingat na pagtambak ng iba’t-ibang hugis at laki na mga package. Ang iba sa mga ito ay nakasilid sa mga sako, plastik, o karton.


Ang nakakalungkot pa ay mayroong ibang mga package na halos lumuluwa na ang mga laman.

Mula sa sahig na walang anumang nakalatag ay halos umabot na sa bubong ng warehouse ang mga nakatambak na parcel.

Dagdag pa dito ang mga nagkakatuwaan lamang na mga trabahante na nagse-selfie pa habang nakahiga sa gabundok na mga package.

Kaya naman, matapos magviral nang naturang mga larawan ay bumaha agad ang opinyon ng mga dismayadong netizens lalo na ang mga customer ng naturang delivery service company.

Nang lumabas ang unang ‘leaked video’ tungkol pa rin sa hindi magandang serbisyo ng naturang courier service, naglabas agad ng pagkadismaya ang mga netizens.

Kaya naman, mas lumala pa ito sa bago na namang mga ebidensya ng hindi magandang serbisyo ng naturang courier.


Kinondena ng mga ito ang kawalang-bahala umano ng management ng kompanya sa serbisyo nito at lalo na sa kanilang mga trabahante. Mahigpit na kinondena ng mga netizens ang kawalang halaga at malasakit ng kompanya sa mga costumer at mga may-ari ng naturang mga parcel.

Sa ngayon, ang naturang mga ‘leaked photos’ ay kalat na kalat na sa social media. Sa patuloy na pagkalat nito, parami ng parami ang mga nagsasaad at humihingi ng hustisya sa paraan ng pagbibigay serbisyo umano ng naturang deliver service company.

Umulan ang mga galit na mga netizen lalo na iyong mga nakaranas nang makatanggap ng sirang mga package na ang rason pala ay dahil sa hindi magandang pagha-handle at serbisyo ng naturang courier.

Heto pa ang ilan sa mga dismayadong komento at opinyon ng mga netizen:

“The company is too lenient and lax particularly in dealing with its personnel. Heads must roll and the company should learn something and shape up itself.”




“Well this explains why I never get my shipments. Seems jail time is in order!!!”

“You sure that is a warehouse of an expedition company not a dumpster? Eeewwww
So filthy and not professional!!! I used this expedition once and got a very very bad experience… GODDAMMIT!!! No wonder it happens!! It was like this in their warehouse!!”

“Perhaps this photos are enough for us not to send our packages through this carrier J&T Express.”

“If I saw any Online Shopping platform using this, I would not bother paying and receiving during delivery.”

“Now I won't be surprised why my returned item was switched with another different worthless item.”

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment