Tuesday, June 23, 2020

Mag-EX Na Piolo Pascual At KC Concepcion, May Feelings Pa Raw Sa Isa’t-isa


Mayroon pa nga bang pag-asang magkabalikan ang Showbiz Personalities at dating magkarelasyon na sina Piolo Pascual at KC Concepcion ngayong pareho nang single ang dalawa?

Ito ang tanong ngayon ng maraming netizen na umaasang magkakabalikan pa rin sina Piolo at KC.

Matagal nang hindi nagkakaroon ng relasyon sa ibang babae si Piolo habang si KC naman ay kamakailan lamang isinaad ang pagiging single.

Huling nakarelasyon ng aktres ay ang French businessman na si Pierre Emmanuel Plassart ngunit hindi rin nagtagal ang relasyon ni KC dito.

Si Piolo naman ay ilang beses nang na-involve kay Shaina Magdayao. Bagama’t mayroong pagkakataon na naging ‘dating’ ang status ng kanilang relasyon, nilinaw ng mga ito na wala silang relasyon.

        Imahe galing sa Google

Kaya naman, ayon sa mga tagasuporta nila Piolo at KC, baka raw kaya wala pang karelasyon ang dalawa ay dahil talagang mahal pa ng mga ito ang isa’t-isa.

November ng taong 2011 nang tuluyang naghiwalay ang dalawa. Kontrobersiyal at hindi naging maganda ang pagtatapos ng kanilang relasyon at hindi rin naging malinaw ang dahilan ng naturang break-up.

Ngunit, makalipas ang ilang taon, parehong inihayag nina KC at Piolo na maayos na umano sila at magkaibigan na rin.

Nitong nakaraang mga taon, kadalasan ay inihahayag ni Piolo sa mga panayam sa kanya na magkaibigan na umano sila ni KC. Nitong taong 2018 naman ng inihayag rin ni KC ang pagkakaibigan nila ni Piolo.

Hinala tuloy ng mga fans ng dalawa, baka raw ay hindi talaga tuluyang naka-move on sina KC at Piolo kaya hanggang ngayon ay walang pang pangmatagalang relasyon ang dalawa at nananatili pa ring magkaibigan.

     Imahe galing sa Google

Kaugnay pa nito, sa isang panayam kay KC kamakailan lang ay mayroon itong inihayag tungkol sa kanyang EX na si Piolo.

Ayon kay KC, sa lahat umano ng kanyang mga nakatambal o leading men sa showbiz, ang naging tambalan niya umano sa EX niyang si Piolo ang may pinakamalaking ‘impact’.

Bago pa maging opisyal na mag boyfriend-girlfriend, nagkasama muna at nagkatambal sina KC at Piolo sa ilang proyekto.

“Ang talagang number one diyan, 'yung totoo talaga, si PJ. Kasi ang dami naming pinagdaanan…

“Naging magkaibigan talaga kami. Alam ni PJ na talagang I cared about him. Kaya rin ako hanggang ngayon, alam niya na I worry for him,” saad pa ni KC sa nangyaring panayam sa kanya sa ‘I Feel U’ ni Toni Gonzaga.

     Imahe galing sa Google

Para naman kay Piolo, nang minsang tanungin kung maaari ba nitong i-date ulit ang dating girlfriend na si KC, ayon sa kanya ay ‘posible’ umano ito.

Dagdag pa nito, masaya umano si Piolo para sa aktres at nananatili rin umano ang kanilang mabuting pagkakaibigan.

“Oh, yeah. We’re good. KC and I are good. I’ve not seen her for a while and I hope she’s always okay. I don’t necessarily stalk her on Instagram. But, I see what happens, of course, based doon sa mga lumalabas. So, you know, I’m happy for her,” saad pa rito ni Piolo.

Ang magkahiwalay ngunit magkatugmang mga pahayag na ito ng dalawa ang nagbibigay ng pag-asa ngayon sa mga tagasuporta nina KC at Piolo na maaari pang magkabalikan ang mga ito.

Source: philstar

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment