Makahulugan at mapagtanong ang inilabas na pahayag ni Miss Universe 2018 Catriona Gray tungkol sa naganap na mga pag-aresto sa idinaos na #PRIDE march sa Mendiola, Maynila nitong ika-26 ng Hunyo.
Sa kabila ng social distancing at pagsusuot ng mask, kwestyonableng inaresto umano ng mga pulis ang 20 tao kung saan karamihan ay galing sa LGBT group na Bahaghari.
Inaresto umano sila nang walang maayos na paliwanag mula sa mga pulis kung ano ang kanilang nilabag.
“Is this the new normal? Earlier today a peaceful #PRIDE rally held in Manila where mask wearing participants practicing social distancing were met by police in riot gear and arrested. When questioned by the witnesses and media about the reason or violations for arrest, the police gave no response.
“If proper health guidelines were being followed, (social distancing, mask wearing) why the use of force? Why the withholding of rights (witnesses said thet were not read their miranda rights before arrest or given reason of arrest)? Videos circulating online confirm this,” saad pa ni Catriona.
Dahil sa nangyari, panawagan ngayon ng beauty queen na pakawalan ang mga hinuli sa naturang protesta. Dagdag pa nito,
“We have the right to raise our voice. Pride, since the beginning has been a protest. Now is the time to speak up. #FREEPRIDE20 #PRIDE2020”
Kasabay ng selebrasyon ng #PRIDE month, kasama rin sa layunin nila at ng protesta ng mga kasapi ng LGBTQ community at mga ka-alyansa nito ay ang pagtutol sa Anti-Terrorism Bill.
Habang idinadaos ang rally, bigla na lamang umanong dumating ang mga pulis at inaresto silang mga nagpopotesta.
Sa isa namang panayam sa mga pulis, kaya umano mayroong naganap na pag-aresto ay dahil ilegal umano ang nangyaring protesta. Wala umanong maipakitang permit ang mga ito kaya nangyari ang umano’y kaguluhan at pag-aresto.
Photo courtesy of GMANews
“Napansin sila ng kapulisan at nilapitan. Tinanong kung may permit at wala silang maipakita. Hindi sila intensyon hulihin,” depensa pa umano ng mga pulis.
Iginiit naman ni Bahaghari Spokesperson Rey Valmores Salinas na payapa ang ginawa nilang protesta maliban pa sa pagsunod sa social distancing at pagsusuot ng mask. Mayroon ding mga larawan na magpapatunay umano ng mga ito.
“Hanggang ngayon ay wala pang sinasabi sa amin kung ano ba talaga ang nilabag namin,” saad pa umano ni Salinas.
Hindi ikinatuwa ng marami ang pangyayaring ito kung saan kabilang nga sa mga dismayado ay si Catriona.
Photo courtesy of GMANews
“Hinuli man kami ngayon, walang pandemiya, walang lockdown, at mas lalong walang mga pasistang baboy ang makapipigil ng pagsinag ng Bahaghari,” dagdag pang saad umano ni Salinas ukol sa nangyari.
Nananawagan ngayon ang marami lalong lalo na ang mga kasapi ng LGBT community na pakawalan ng kapulisan ang 20 indibidwal na kanilang inaresto.
#FreePride20 ang sigaw ngayon sa social media upang pakawalan ang nasabing 20 indibidwal at kondenahin ang ginawang pag-aresto sa mga ito.
Ayon naman sa isang ulat galing sa CNN Philippines, ang mga inaresto ay haharap umano sa kaso ng paglabag sa R.A. 1132 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act. Isa lamang umano ito sa iba pang mga paglabag na ginawa ng grupo.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment