Saturday, June 27, 2020

Babae, Ipinamigay Ng Asawa Nito Sa Ibang Lalaki Dahil Sa Kahirapan Ng Buhay


Dahil sa kahirapan ng buhay, umabot na sa puntong ipinamigay na lamang umano ng isang lalaki ang asawa nito sa ibang lalaki.

Ito ang kwento ng binisitang babae ni Lorry Aquino Talita na naging tampok nito sa kanyang vlog.

Hindi nito inaasahan na magiging ganito katindi ang kwento ng buhay ng kanyang tinulungan na si Mae.

Nadatnan ni Talita na naglalaba ang 25 taong gulang na si Mae sa labas ng barongbarong nito.

Kapapanganak pa lamang umano ni May sa bunso nito na 4 months old. Bagama’t tanghali na nang pinuntahan ang mga ito ni Talita, hindi pa umano kumakain ang mag-iina.

Tatlo ang anak ni Mae. Isang limang taong gulang, isang tatlong taong gulang, at ang bunso nitong 4 months old.


Parehong walang maayos na trabaho sina Mae at ang 50 taong gulang nitong asawa. Ang asawa umano nito ay nagpapaatras lamang ng mga sasakyan at kumikita lamang ng Php 100 sa isang araw.

Umaasa lamang umano sila sa bigay na pagkain at tulong ng mga pulis sa kanilang lugar.

Ngunit ang mas matindi pa sa kwentong buhay na ito ni Mae ay nang maibahagi nito ang isang pangyayari sa kanya sa nakaraan.

Sa kabila ng murang edad, ikalawang beses na pala umano nitong mag-asawa dahil ipinamigay raw siya dati noong unang asawa nito.

“Bali pinamigay lang din po ako nang unang asawa ko din po dun sa kanya kasi nahirapan na din sya… wala na din siyang maipakain,” kwento pa ni Mae.

Labing-walong taong gulang lamang si Mae nang una itong mag-asawa. Napilitan lamang umano itong mag-asawa upang makaalis sa poder ng kanyang lolo na sinasaktan siya.


Ngunit, iniwan lang din ito ng asawa at ipinamigay pa.

“Umiyak po ako nun na pinamigay niya ako sa iba po…

“Iniwan niya nalang po ako kasi basta. Umalis nalang po siya,” dagdag pa nito habang naiiyak.

Kaya umano sumama na lamang si Mae sa pangalawang asawa nito ngayon. Saad pa nito,

“Kasi kung hindi ako sasama sa kanya, madidisgrasya lang din po daw ako dito.”

Dahil sa kahirapan, kitang hindi tama ang paglaki ng mga bata dahil na rin sa kulang sa pagkain. Ani pa nga ni Mae, walang anumang bitamina ang kanyang bunso kahit isa pa itong baby.

Pinayuhan na rin umano si Mae ng midwife na huwag nang manganak pa. Upang maiwasan na madagdagan pa ang mga anak nito, mayroon umanong in-implant na birth control kay Mae.


Dahil na rin naawa sa kondisyon ni Mae at ng mga anak nito, binigyan ang mga ito ng tulong pagkain ni Talita.

Mayroon itong iniwan sa kanila na bigas at mga ulam. Dahil nagpapa-dede pa si Mae sa bunso nito, kinailangan din umano nitong maging malusog para sa anak.

Binigyan na rin ang mga ito ng pera na tulong galing kay Talita upang mayroon silang pambili ng ulam at nang makakain ng maayos ang mga bata.

Nangako rin ito na babalik upang mabigyan ng vitamins at diaper ang sanggol ni Mae.

Panoorin ang buong video ng kwentong ito ni Mae at ang ginawang pagtulong sa kanila. Panoorin ito sa Youtube channel ni Lorry Aquino Talita.


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment