Sunday, June 28, 2020

Nang dahil sa Face App: Isang Lalaki Napagkamalang Babae Ng Isang Arabo; Nagulat Siya Sa Sagot Ng Kanyang Kausap Nung Nakita Ang Katawan Nito!


Patok ngayon na pinagkakatuwaan ng mga Pilipino ang mobile application na Face App. Gamit ang app na ito, ang larawan ng isang lalaki ay nagiging babae habang nagiging lalaki naman ang sa babae.

Aliw na aliw ngayon dito ang mga Pilipino lalo na ang mga lalaki. Marami kasi ang nagugulat sa ganda ng ibang mga lalaki kapag nagmumukhang babae na ang mga ito.

Trending agad ang naturang app at nasubukan na umano ng halos lahat ng mga netizen.

Dahil nga sa Face app, isang lalaki ang napagkamalan pa umanong babae ng isang Arabo!

Tawang-tawa lang naman ang netizen na ito nang magpadala sa kanya ng mensahe ang isang Arabo sa pangalang Alfar.

Dahil sa profile picture ng naturang netizen na ginamitan ng Face app, nagmukha itong babae. Ito ang marahil ay dahilan kaya napagkamalang totoong babae ng naturang Alfar ang lalaking netizen.


Sa Facebook, ibinahagi ng naturang netizen ang naging nakakatawang pag-uusap umano nila ng naturang Arabo.

Paniwalang-paniwala kasi ito na babae ang netizen. Nang unang nag-chat nga sa kanya ang naturang banyaga ay mayroon agad itong kasamang isang malaking ‘heart emoji’.

Dahil marahil ay walang magawa kaya sinakyan at pinatulan na rin ng nasabing netizen ang unang chat na ‘Hello Dear’ ng Arabo.

Nakakatawang agad-agad na nag-reply ang Arabo at humingi pa ng isa pa umanong larawan ng netizen.

“I love your smile can you send me of your picture?,” saad pa umano ni Alfar.

Mas naniwala pa ito na babae talaga ang kanyang ka-chat nang mag-send lang naman ang naturang netizen ng isa pang larawan nito na ginamitan ulit ng Face app.


Babaeng-babae ang netizen sa larawang iyon at mayroon pang mahabang buhok.

Hanggang mayroon nang inalok si Alfar na pera sa netizen kapalit umano ng mga larawan nito na ipapadala sa kanya.

Hirit pa umano ni Alfar, mas maganda raw kapag ‘whole body’ ng netizen ang ipapadala sa kanyang larawan.

Dito na binalak ng netizen na ibunyag ng totoong sarili. Sa isang larawan kung saan ipinakita nito ang kanyang dibdib na lalaking-lalaki, inakala nitong malalaman na ng Arabo na lalaki siya at titigil na ito.

Ngunit, tawang-tawa na lamang ito at ang iba pang mga netizen nang salungat pa ang naging reaksyon ni Alfar.


Babae pa rin ang tingin niya sa netizen at pinuri pa ang dibdib na ipinakita nito. Kaya naman, tawang-tawa ang naturang netizen nang ibinahagi niya sa Facebook ang naturang pag-uusap nila ng Arabo.

“Hayup na face app ‘to. Akala ko aayawan n’ya ‘yun pala mas magugustuhan nya, hayuf sya. Ayoko na,” natatawa pang saad ng naturang netizen.

Trending naman agad ang nakakaaliw na usapang ito nina Alfar at ng naturang netizen. Bentang-benta ito sa mga netizen at umani pa ng halos sa 80 000 natatawang reaksyon lang naman.


Ang shares naman ng naturang Facebook post ay umabot na sa mahigit sa 130 000 at patuloy pang dumadami. Bumaha rin ang libu-libong komento ng mga netizen sa nakakatawang post na ito.

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment